Larby Five Days Before Agatha's Death Wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa classroom. Si Agatha ang unang pumasok at nagpahuli ako para walang makahalatang magkasama kami sa buong lunch break. Nagtungo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Agad kong kinuha ang phone ko para i-check kung online ba siya. Lumawak ang ngiti ko nang makita kong online nga siya. Nakangisi akong nag-type. You I miss the taste of your lips. Biglang siyang lumingon sa akin. She gave me a warning gaze as if saying don't you f*****g start with that. Ngumisi lang ako sa kanya at saka tumipang muli sa aking cell phone. You I'm kissing, luv. Ay, sorry typo. Kidding talaga 'yan. You HAHAHAHAHAHA! Impit ang tawa ko habang tinitignan siya. Nag-eenjoy ako sa biglang pamumula ng kanyang mukha. She let

