Cath
Three Days After Agatha's Death
"Cath, help me please..." Agatha groaned as she walks towards me.
"A-Agatha?" I'm blinking as I continue to watch her.
Nang makalapit na siya sa akin ay umiiyak siyang niyakap ako nang mahigpit. Tila bang sobrang nasasaktan siya ngayon.
Bakit ba siya umiiyak? Ano bang nangyari?
"Help me..." She continues to sob as she hugs me even tighter.
I pulled away from her hug. When I cup her cheeks, I tried to calm her down by hushing her. "Anong nangya--"
Natigilan ako.
Pigil hiningang nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang kanyang mga pisngi. Unti-unti iyong nabalutan ng dugo mula sa kanyang mga mata. Tuloy tuloy na umagos ang dugong iyon sa kanyang katawan hanggang sa ang puting uniporme ay naging pula na.
Natataranta akong lumayo sa kanya noong bigla siyang sumigaw. Ang sigaw na iyon ay puno ng labis na sakit. Wala akong nagawa kundi ang panoorin lang siya dahil hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
Nagsimula na din akong maluha nang ang mukha niya ay biglang nagbago. Mabilis na lumitaw ang mga pasa at sugat mula sa kanyang mukha. Para bang nabasag ang kanyang bungo. Hindi ko na siya makilala ngayon.
"Help me..." Sunod sunod na umalingawngaw dito sa madilim na silid ang boses niya.
Napaatras ako. Nagtakip ako ng tainga dahil ang sigaw niya ay nagmistulang nakakabinging tunog sa akin. Dahil sa unti-unting paglakas noon ay para ba akong mawawalan na ng pandinig.
"Cath, anak. Wake up, baby. It's just a nighmare."
Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Mom. Agad akong napayakap sa kanya habang hinahabol ang aking hininga. Para bang tumakbo ako ng ilang kilometro.
Punong puno ng pawis sa buong katawan, patuloy kong pinakalma ang aking sarili. Napapikit ako habang patuloy sa panginginig ang aking katawan. Isang masamang panaginip na naman pala.
***
Ilang minuto ang nakalipas ay kumalma na rin ako. Mom is really a skilled Psychologist, nagawa niya akong pakalmahin nang ilang minuto lang habang ginagawa niya sa akin ang therapy na angkop sa aking kondisyon.
"Anong oras na ba?" I ask myself.
Inabot ko ang aking phone para tignan ang oras. Alas-tres pa lang pala ng madaling araw. Kaya ko pang gawin ang group assignment ko para sa first subject.
Mabilis kong kinuha ang aking laptop at agad itong binuksan. Kailangan ko nang magmadali, isang oras pa ang biyahe ko tapos traffic pa.
Oo, kahit probinsya dito, may traffic pa rin. Noong una nga, laking pasasalamat ko kay Dad kasi sa wakas aalis na kami sa Manila at hindi ko na mararanasan uli ang traffic pero pagdating ko dito, surprise! Meron pa rin pala.
Ang lupit talaga ng lintik na traffic na 'yan. Parang ex ko lang, kahit ayaw ko na sa kanya-- siya talaga itong nagmamatigas at sunod pa rin nang sunod sa akin. Pero sana may ex talaga ako, 'no?
Natatawa akong binuksan ang email ko para buksan ang file na sinend ng leader ng group namin.
Pero, teka.
May email sa akin si Agatha?
Napapakurap akong tinitigan ang kanyang pangalan. Ano 'to?
Napapalunok ng laway, agad kong binuksan ang sinend na email ng bestfriend ko.
Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.
Ano kaya ang laman nito?
Agatha Mendoza
to me
5: 47 AM
Hey Cath,
I'll just send this just in case something bad happened to me.
I want to tell you that I've been receiving a ton of death threats lately. It's really bothering me.
Feeling ko, galing lang siya sa iisang tao. I have my own suspect but I am still doubtful.
Maybe this is just a hater of my stories? I dunno.
Just in case lang!
Love lots!
Agatha
Nanginginig akong nakatitig lang nang ilang minuto sa in-email ni Agatha.
Does this mean na tama nga ang hinala ko? Na may pumatay nga talaga sa bestfriend ko?
What the fudge...
Pero bakit may magtatangkang gumawa nito sa kanya? Agatha is a good friend to everyone, hindi siya 'yung taong makakagawa ng mali sa iba. Ni hindi ko nga siya makitang magalit o makipag-away kahit na sa kanyang mga bashers, eh.
Totoo ba talaga 'to? Pero I know, Agatha will never do this just to joke around. Masiyado siyang matured mag-isip para sa ganito.
What should I do?
Oh my freaking god. Anong dapat kong gawin?!
Luigi.
Luigi! Right!
I have to let him know about this.
Nanginginig akong kinuha ang cell phone ko. Agad kong di-nial ang number ni Luigi. I hit the call button as I continue to catch my breath.
First ring. Hindi niya sinagot.
Second ring. Hindi niya pa rin sinagot.
Tulog pa ba siya?!
Muli kong pinindot ang call button. Malakas ang kabog ng puso ko habang hihintay siyang sumagot. "Sumagot ka na, please. Sumagot k--" I began to panic.
At last, he picked up the phone call after a few seconds. "Hello, Cath? May problema ba?" His voice is still husky that I assumed I woke him up.
"I will send you the email. That was the email that Agatha sent me on the exact date she jumped off of our school building. You need to see this, Luigi. You really need to." Bakas na bakas sa aking boses ang labis na pagka-alarma, habang nanginginig pa rin ay agad ko nang pinicturan ang email ni Agatha.
"S-Seryoso ka ba?"
"Yes, freaking yes!" Agad kong sinend sa kanya ang photo. "Nakita mo na?" Hinihingal kong sambit.
"Wait..." He gasped, completely shocked of what I've sent him.
Natigilan siya. Ako naman ay patuloy na hinihingal habang muling binabasa ang email ng bestfriend ko.
"Is this real?" He asked, still unsure.
I groan. Irritated, I snapped. "Why would I joke around when it's all about Agatha's death?!"
"Okay, relax." Bumuga siya nang malalim na hangin. "Let me think about this..."
Napabuntong hininga na lang ako at hinintay na lang siyang sumagot muli. Pero wala pang isang minuto ay narinig kong muli ang kanyang boses.
"What should we do?" Ramdam na ramdam ko ang takot sa kanyang tono.
I facepalm. Pinaghintay mo pa ako, jusko.
I tried to calm myself and think of a better idea on how to deal with this situation.
Paano?
Fudge.
Should we investigate about this?
Ofcourse, yes.
"We should investigate, don't tell anyone about this. We need to make sure if totoo ba 'to or whatnot. Pero we know Agatha, right? She will never do this for nothing."
Telling the Police about this is a bad idea. Hindi nga sila naniwala sa akin noong pinagpilitan kong hindi magagawang mag-suicide ni Agatha. Malamang, irereject nilang muli ito. Worse, baka isipin pa nilang inimbento ko lang ito.
"Yes. Okay." He took a deep breath for the nth time.
"Hey, why won't we go to Agatha's house? Baka may makita tayo doon." I said after a minute.
"Agatha's house? Sure. Sakto, nandito ako ngayon. Dito kami nagi-stay ng mga pinsan ko habang nasa chapel ang parents namin. Dito ka na dumiretso."
"Sige, I'll text you na lang." Agad kong binaba ang call at nagmadaling maligo.
Bahala na ang acads, Agatha needs me right now. Ito siguro ang rason kung bakit niya ako laging dinadalaw sa mga panaginip ko. Ngayon ko lang narealize, maybe she is asking for my help.
***
Matapos ang ilang minuto, nakaligo at nakabihis na agad ako. Walang suklay-suklay akong tumakbo palabas ng bahay. Lahat ginawa ko para mabilis na makarating sa bahay nina Agatha.
Matapos ang isang oras, nakarating na nga agad ako doon. Agad kong kinuha ang aking cell phone para i-text na si Luigi.
Ilang saglit ang lumipas ay pinagbuksan na niya ako ng gate. Nakasuot na rin siya ng uniform.
"Good morning." Nakangiting sambit niya sa akin. Kahit na nakaligo na ay halatang antok na antok pa rin siya.
I chuckle and tousled his wet and already messy hair. "Open your eyes, dumbass."
He laughed. "Kahit naman buksan ko pa 'to, nagmumukha pa rin akong nakapikit."
I nod and tousle his hair again. "Point taken. Singkit problem." I guffaw.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Agad na kaming dumiretso sa kwarto ni Agatha. Mabuti na lang at hindi pa gising ang mga pinsan niya, kung hindi ay paniguradong makikiusyoso ang mga iyon. I already met them on Agatha's wake and they are all playful just like Luigi.
Nang makapasok na kami sa kwarto ay in-on na ni Luigi ang switch ng ilaw. Bumungad sa amin ang kulay puting kwarto. Mayroon itong isang book shelf na metal. Nakapuwesto iyon sa gilid ng kanyang study table.
Just by looking at this room, I can really feel that this is really Agatha. Simple yet gracefully pleasing.
Lumibot ako sa buong kwarto. The smell of her perfume is still attached on this room. Para bang kasama pa rin namin si Agatha dito.
Unwelcomed tears flooded my eyes when I reached the study table. Nakalagay sa ibabaw noon ang picture naming tatlo nina Luigi.
Patuloy na tumulo ang aking luha nang makita ko sa book shelf niya lahat ng isinulat niyang libro. My chest tightened.
Sobrang ganda ng future na nag-aabang sa kanya pero matatapos lang pala ang lahat sa isang iglap lang.
Ang sakit. Ang saklap. Hindi ko pa rin kayang tanggapin.
I let out a silent sob as my heart continued to break apart.
Bakit ba kasi nangyari pa iyon sa bestfriend ko?
Of all people, bakit siya pa?
Suddenly, I felt a warm embrace from my back. It's Luigi. He hushed me as I began to sob more.
"We need to be strong, Cath." He comforted me as he rests his chin on my shoulder blade.
I nod, then took a deep breath.
Tama si Luigi, kailangan kong maging malakas. Agatha needs me. Agatha needs my strength. I have to do this for her.
Ilang minuto ang nakalipas ay sinimulan na namin ang pagiimbistiga. Kinuha ko ang laptop ni Agatha and thank god, wala itong password.
Tinignan ko agad ang laman ng email niya para makita ang death threats na sinasabi niya sa akin sa email. Pero wala kaming nakita. Ang nandoon na lang ay ang reply ni Stephanie sa kanya.
Wait, Stephanie?!
Stephanie Vidallion
to me
6: 10 AM
Hey Miss Fake,
I DON'T GIVE A f**k.
Die now!
Stephanie Vidallion
Nagkatinginan kami ni Luigi. Our eyes both screamed a ton of clueless questions and a wave of confusion.
Bakit sinend ni Agatha kay Stephanie ang same message na sinend niya sa akin?
Nagsisimula na uling kabahan, agad kong binuksan ang sent emails niya. Mas lalo kaming nagulat nang sinend din niya ang message na iyon kay Lucas!
Bakit niya sinend iyon sa kanilang dalawa?! As far as I know, these two have been bullying her ever since Luigi and I transferred on our school.
Napapakurap, nagsalita si Luigi. "Naguguluhan ako. Ano ang connection nina Stephanie at Lucas kay Agatha?"
I bit my thumb, I tried to analyze the situation. "Hindi ko rin alam."
I took a deep breath before I turn my gaze on him. "How about her cell phone?"
Before he answered, I opened Agatha's bag. Nakapatong ito sa kanyang study table.
"Agatha can't last a day without a phone. So, napagpasyahan nina tita na i-sama na lang 'yon sa coffin niya. There's no way we can have it now that we want this to be a secret to anyone."
Tumango lang ako habang patuloy na binusisi ang bag ng bestfriend ko. One moment, I found an interesting one.
"Lui, tignan mo 'to."
Mabilis siyang lumapit sa akin. Pinakita ko sa kanya ang isang litratong nakaipit sa libro ni Agatha. Laman ng litratong 'yon ang masayang larawan nina Agatha, Lucas, Stephanie, Larby at Vanessa. It was taken a few years ago.
So, magkakaibigan pala silang lima dati? This photo is telling me that they were once a squad.

Pero bakit may nakasulat na malaking WHY? sa gitna nina Lucas at Stephanie?
"Ano kayang ibig sabihin niyan?" Luigi pointed the noticeable WHY?
"I also don't know." Kumunot ang aking noo, hindi ako makaisip ng rason para sa larawang ito.
Ang gulo. Nakakalito. Nakakabaliw.
Ginulo ko ang aking buhok nang wala na talaga akong maisip na logic para dito. Napapangiwi akong tumingin kay Luigi. "Anong oras na ba?"
Kinuha niya ang kanyang cell phone mula sa kanyang bulsa. "6 AM na pala."
"Pumasok na muna tayo." Napasapo ako sa aking noo. "Tanungin na lang natin si Vanessa. Siya lang naman ang approachable sa lahat ng nasa picture, eh. Baka makatulong siya sa atin."
With that, agad na kaming kumilos para mabilis kaming makarating sa school.
Habang naglalakad, patuloy na nagpatianod ang aking utak doon sa larawan na nakita namin kanina.
Bakit nga kaya?
Ano ba ang connection ni Agatha kina Lucas, Larby, Stephanie at Vanessa? At kung friends sila dati, bakit parang hindi naman close nina Vanessa at Larby si Agatha? At kung squad sila dati, bakit binubully nina Lucas at Stephanie si Agatha?
Agatha, bakit ang gulo?
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nasa classroom na pala kami. Nandoon na rin ang kalahati ng classmates namin pati si Vanessa. Binulungan ko si Luigi na ako na lang ang magtatanong kay Vanessa since lagi ko siyang nakakausap lately.
"Good morning." Nakangiti kong bati kay Vanessa habang umuupo sa kanyang tabi.
"Good morning, Cath." As usual, her smile is contagious.
"Hey, puwedeng magtanong?" I nervously laugh. For a moment, I regret asking her alone. Dapat pala, isinama ko na lang si Luigi! "Natatanong na pala ako," I awkwardly laugh, then scratch my forehead, "paano ko ba 'to sisimulan?"
She guffawed, "Aba, ewan ko."
I shook my head and mentally slap myself, "Ay, bakit ko ba sa 'yo tinanong iyon?" I swallowed, "Ganito kasi 'yan."
She nodded and gave me an assuring smile that she's waiting.
"May nakita kasi kaming picture sa bag ni Agatha. Laman noong picture na iyon kayong lima nina Agatha, Larby, Stephanie at Lucas."
I cough, then clear my throat, "Magkakaibigan ba kayong lima dati?"
For a moment, she looked shocked but she quickly recovered, "Back then, iisang squad lang talaga kami nina Agatha, Lucas, Larby at Stephanie. Masaya naman kami simula noong pumasok kami sa school na 'to. Sa katunayan nga, kami 'yung tinuturing na pinaka-famous na squad dito kahit freshmen pa lang kami."
She suddenly frown. "Pero may nangyari kina Lucas, Stephanie at Agatha noong huling mga buwan ng Grade 8 namin na nakapagpabuwag sa pagkakaibigan naming lima."
"Up to these days, hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila." She said as she sighs.
Napapalunok ng laway, sinubukan kong maging kalmado. "Really?"
Still frowning, she nods at me.
Maya-maya ay nakaisip agad ako ng maaaring itanong sa kanya. "Bakit hindi na pala kayo close ni Agatha simula noong pumasok ako dito sa school?"
"I just chose not to take sides. Pareho kong bestfriend sina Stephanie at Agatha. Feeling ko kasi, magiging awkward at unfair talaga kapag may sinamahan akong isa. Let's just say, naipit ako sa away nilang dalawa." The corners of her lips turned down.
Magtatanong pa sana akong muli nang ang mga kaklase ko ay magsitahimikan. Dali-dali silang umupo sa kanya-kanyang seats. Napatingin ako sa harap at nakita ang adviser namin.
"Go back to your seats." Utos sa amin ni Sir Banaticla.
Agad akong nagpasalamat kay Vanessa at saka mabilis nang nagtungo sa upuan ko.
"Anong sabi niya?" Bulong sa akin ni Luigi.
"I'll tell you lat--" Napatigil ako sa pagsasalita nang mabaling ang aking mga mata sa pintuan.
"Sorry we're late, Sir." Sabay na sambit nina Lucas at Stephanie.
Magkasama silang pumasok.
Pero bakit parang may mali sa kanilang dalawa?
Naniningkit ang aking mga mata habang patuloy silang tinititigang umupo sa kanilang upuan.
May mali talaga, eh.
Lucas is not on his usual obnoxious behavior. Hindi katulad ng lagi niyang ginagawa, hindi niya ako bwinisit bago umupo. Parang sobrang lungkot niya yata ngayon?
While Stephanie's eyes are bloodshot. Halatang katatapos lang niyang umiyak.
Konektado ba 'to sa malaking WHY? na isinulat ni Agatha sa pagitan nilang dalawa?
May tinatago ba silang dalawa? Kung mayroon man, I have to know it. Hinding hindi ko sila mapapatawad kung sila ang dahilan sa pagkamatay ni Agatha.