Episode 4

1967 Words
Lucas One Year Before Agatha's Death Nakasimangot akong naglalakad sa corridor ng school building. As usual, late na naman ako. Pero wala naman akong pakialam, pumapasok na lang naman ako dito out of boredom, eh. School is bullshit. That's a fact. This is just an institute full of damn moron who knows nothing but to study shits that none of us needed in the future. Seriously, they should, instead, focus on making their time worthwhile. Studying is never fun. Come on. Bakit hindi na lang nila ako gayahin? Sarap buhay. Walang pakialam. Hindi nahihirapan mag-aral ng mga bagay na hindi ko naman kailangan. Pero siguro kasi sinuwerte lang ako? Wala akong pakialam sa buhay dahil bakit pa nga ba ako mangangamba sa future ko? Ako lang naman ang tagapag-mana ng business ni Dad. Kahit mag-fail ako nang mag-fail sa acads ko, wala pa ring epekto 'yon sa magiging future ko. Nang marating ko na ang pintuan ng aming classroom, nagtuturo na si Sir Banaticla. Bullshit! Paniguradong mapapagalitan na naman ako ng matandang 'to. I wince as I creased my forehead. I almost punch the door. There is no way I will enter that damn room. The last thing I want to hear is that damn teacher's irritating and squealing voice. Naupo na lang ako sa gilid ng pintuan. Sinandal ko ang aking likod at ulo sa pader. Nakatingala akong ipinikit ang aking mga mata at nagpasya na lang na matulog. *** "Lucas, hey." Came by a familiar voice of a girl. Agad kong iminulat ang aking mga mata at tinignan siya. "Ano?" Naiirita kong sagot. Ipinikit kong muli ang aking mga mata. "Start na ang next class," she poked my arms and I am quick to jerk it away, "bangon ka na diyan." Iritado kong minulat ang aking mga mata. Mabilis akong tumayo at kunot-noong nagtungo sa aking seat. "Pakialamera." Naiinis kong bulong nang makaupo na ako. Itinungo ko nang muli ang aking ulo sa arm rest. Pinagpatuloy ko ang tulog ko kahit na dumating na ang guro namin. *** Nagising ako dahil na naman sa nakakairitang boses ng babaeng 'yon. "Lucas, lunch na. Gising ka na." Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagpikit na para bang hindi siya nag-eexist sa mundo ko. Pero hindi pa rin siya tumigil. "Lucas..." Sambit niya nang paulit-ulit habang kinakalabit ako. Tumunghay ako. I glare at her. Ano bang gusto ng babaeng 'to? Tangina, bakit ba ang kulit nito? "Kailan mo ba ako titigilan?" Nakasimangot kong sambit. Natigalgalan siya. "Naisip ko kasing baka nagugutom ka na kaya kita ginigising." Came by her small and petrified voice. Nakatungo ang ulo niya. Tila bang hindi niya kayang makipaglaban sa matalim kong tingin. "Leave me alone." I dryly said as I lay my head against the arm rest. I heard her sigh. "Iwan ko na lang 'to dito, ah?" Naramdaman kong may inilapag siya sa aking arm rest. Nakakunot noo akong tumunghay muli at tinignan ang kanyang iniwan sa akin. Sandwich. "Agatha!" My jaw clenched. Biglang tumahimik lahat ng kaklase ko. Lahat sila ay ibinaling ang atensyon sa akin. Nagtatangis ang mga mata ko habang nakapako ang mga iyon kay Agatha. Sinabihan na kita dati na layuan mo ako. Na 'wag na 'wag mo na uli akong kakausapin. Tangina, gaano ba kahirap intindihin iyon? Pinupuno mo ako. Ubos na ubos na ang pasensya ko sa 'yo. Mahigpit kong hinawakan ang sandwich at itinapon sa bintana. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na 'wag na 'wag mo na uli akong lalapitan?! Tanga ka ba para hindi maintindihan iyon?!" Nagsimula nang magtubig ang kanyang mga mata. Kumawala sa kanyang bibig ang mahinang mga hikbi. "Lucas, I just want to be friends with you again..." "Friends?" I smirk as I walk towards her seat. "Do you really think I treated you as a friend before?" I laugh sarcastically. "Well, f**k your face. Ni minsan, hindi kita tinuring na kaibigan." Noong makalapit na ako sa kanya ay puwersado kong hinablot ang kanyang bag. "We can never be friends. Come on." "Hinding hindi na ako makiki-pagkaibigan sa tanga," binuksan ko ang zipper ng kanyang bag, "at uto-uto!" Iniangat ko iyon at ihinulog ang lahat ng laman noon sa kanyang harapan. "Lucas naman." She sobbed as she tried to hold my hands. Her eyes are pleading but I am too cold to give her a damn. Agad kong isinalya papalayo sa akin ang kanyang kamay. Noong akmang hahawakan niyang muli ako ay malakas kong sinuntok ang kanyang desk. Sa sobrang lakas ng suntok ko ay nag-crack iyong kahoy at dumugo ang aking kamao. Patuloy lang siya sa pag-iyak noong mahigpit kong hinawakan ang kanyang pulso. Sa sobrang higpit noon ay wala na akong pakialam kung magkapasa man siya. "Huwag mo na uli akong lalapitan kung ayaw mong saktan na kita!" Itinapon ko papalayo ang kanyang kamay. "Ano ba, Lucas?!" Biglang pumasok sa loob si Vanessa. Agad siyang pumunta kay Agatha. Hindi ko siya inintindi. I am smirking at Agatha when I grab all of her things. Pinaghahagis ko ang lahat ng mga iyon sa buong classroom. Pero natigil ako sa ginagawa ko nang may biglang humablot sa aking braso. Agad ko siyang nilingon. Lalong nag-init ang ulo ko noong ang kutong lupang si Larby ang nakita ko. "Ang immature nito, 'tol. Sobrang immature." He mumbled as if pleading for me to just stop. Isinalya ko papalayo ang kanyang kamay sa aking braso. Hinila ko siya sa kuwelyo. Akmang susuntukin ko na sana siya noong maisip kong baka mapatawag na naman ang parents ko sa Guidance Office. I took a deep breath. No, that will not f*****g happen. Ngumisi na lang ako nang nakakaloko at saka binitawan ang kanyang kuwelyo. Pinagpag ko ang uniporme niya na para bang puno iyon ng alikabok. "Ako? Immature?" Sarkastiko akong tumawa. "Coming from a guy na walang alam kung hindi ang lumandi lang nang lumandi? Nagpapatawa ka ba?" Tumingin lang siya sa akin nang masama. Halatang pinipigilan niya ang kanyang sarili na patulan ako. Pero bad news, alam ko kung papaano siya pasabugin. Mas lalong lumakas ang tawa ko habang idinadampi sa kanyang noo ang aking hintuturo. "Parang mas immature 'yung naghahanap ka ng kalinga ng magulang through your sluts." Dinutdot ko nang paulit-ulit ang kanyang noo. "Mind your own business, kutong lupa. Kung kulang ka sa aruga, 'wag mo akong idamay sa miserable mong buhay." Namula siya dahil sa galit. "Why would you f*****g drag my parents here?" Ibinangga niyang ang kanyang balikat sa aking dibdib na para bang hinahamon ako. Tinawanan ko lang siya at itinulak papalayo. Akmang susuntukin na niya sana ako pero bago pa niya magawa iyon ay napigilan agad ni Agatha ang braso niya. Ngumisi ako kay Agatha. "Leave me alone. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka kapag lumapit ka pang muli sa akin." Patuloy lang sa pagtulo ang luha sa kanyang namumulang mga pisngi habang pinipigilan si Larby. Naka-ngisi pa rin akong lumakad papalayo ng aming classroom na para bang walang nangyari. *** "Ano nang gagawin ko ngayong araw? Bwisit kasing Agatha 'yan, ang hilig manira ng araw." I hissed. Nagpalinga-linga ako sa paligid nang makalabas na ako ng school building namin. Boring na araw na naman ba 'to? Humikab ako at natagpuan na lang ang aking mga paa na gumagalaw papunta sa paborito kong lugar dito sa school. School garden. Tamad na tamad akong umupo sa bench. Siguro, dito na lang muna ako hanggang hapon. Wala kasing tao lagi dito kaya tahimik. Saktong sakto sa gusto ko ngayon. Katahimikan. Na hindi maibigay ng bwisit na si Agatha. Habang tahimik akong nakatingala sa langit ay may biglang umupo sa mga hita ko. Bigla akong napangiti. Nagsimula na akong haplusin ang likuran niya. "Na-miss mo ba ako, baby?" I am smiling widely as I continue to caress her. "Meooow." She watched me while purring. "Nagugutom ka?" Natatawa kong sabi na para bang naintindihan siya. Inilabas ko ang plastic ng catfood mula sa bulsa ko. Binuklat ko iyon at saka inilapag sa lupa. Ang pusa naman ay nagmamadaling tumalon papunta doon. Habang pinapanood ko siyang kumain, naisip ko si Agatha. Aaminin ko, may kirot akong naramdaman sa puso ko noong maalala ko ang kanyang umiiyak na mukha. Sumosobra na ba ako? Mali na ba ang ginagawa ko? Pero okay na siguro 'to para hindi na niya uli ako lapitan. Kasalanan din naman niya 'to, eh. Pinagpatuloy ko na lang ang panonood sa pusa. Iuwi ko na lang kaya 'to? I shook my head continuously as I remember my Mom. No, that's a bad idea. There is no way Mom will let her stay with us. Nang maubos na niya ang catfood ay binuhat ko siya. Nahiga ako sa malambot na bermuda grass. Inihiga ko siya sa aking katawan. "Tulog na lang tayo, ha?" I told her as I pat her head. Wala pang isang segundo ay nakapikit na siya. Bahagya akong natawa. "You really resemble me, sleepy head." Pumikit na ako at hinayaan na lang siyang matulog. *** "Mahal pa rin kita, Agatha. Please, patawarin mo na ako." Came by a voice of a boy. Agad kong iminulat ang aking mga mata. "Para saan pa ba?" Sagot naman noong babae. Teka, pamilyar sa akin ang mga boses na 'to, ah? Nagpatuloy ako sa pakikinig sa kanila makalipas ang ilang minuto. "Alam kong mahal mo pa rin ako." Sagot sa kanya noong lalaki. Nang makilala ko na ang mga boses nila ay mabilis akong tumayo sa hinihigaan ko. Pumwesto ako sa likod ng puno kung saan nandoon sila. It's Agatha and him. My jaw automatically tensed. "Oo, mahal pa rin kita pero please, bigyan mo muna ako ng oras para makapag-isip." Naiiyak na sambit ni Agatha bago mabilis na tumakbo papalayo sa kanyang kausap. Malungkot na bumuntong hininga ang kanyang kausap at naglakad na rin papunta sa school building. Nang nasigurado ko nang nakapasok na siya sa loob, tumakbo na ako papalapit kay Agatha. Umiigting ang panga, bigla kong hinablot ang kanyang braso. Hinila ko siya papunta sa gilid ng clinic. Wala siyang nagawa noong itinulak ko siya sa pader. Dumaing siya sa sakit pero wala akong pakialam kahit na masaktan pa siya. "Magpapaloko ka na naman sa kanya?!" I scream through my gritted teeth. "Lucas, mahal ko siya. Hindi ko naman puwedeng diktahan ang nararamdaman ko, 'di ba?" She held my hand but I push it away, "Kung sana lang talaga, may switch itong feelings ko. Sana, dati ko pa in-off ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi, eh." She painfully sighed, "Mahal ko siya-- mahal na mahal ko pa rin sya." "Tangina! 'Yan!" Napasuntok ako sa pader. "Iyan ang dahilan kung bakit hindi na tayo puwedeng maging magkaibigan pang muli." I ball my fist as the blood from my knuckles shows up. "Ang tanga mo! Ang tanga tanga mo!" Hindi pa ba siya natuto? Kailan ba siya matututo? "Sorry," she started sobbing. "Sorry? Tanginang sorry 'yan!" Akmang susuntukin ko sanang muli ang pader sa gilid ng kanyang ulo nang may biglang pumigil sa braso ko. "Bakla ka ba?!" Sigaw ng isang hindi pamilyar na babae. Agad kong ibinalibag papalayo ang kanyang kamay. "Bakit ka nananakit ng babae?" Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nangingialam? Sino ka ba?" "Ako ang konsensiya mo!" Inalagay niya ang kanyang mga kamay sa kanya baywang. Gago ba 'to? O sadyang siraulo lang talaga? I poker face. Hindi ko na lang siya inintindi. I glare at Agatha once more while balling my fists before I decided to just walk away. "Okay ka lang ba?" Dinig kong tanong niya kay Agatha habang naglalakad ako palayo. "I'm Cath Martinez nga pala. Bagong lipat lang ako dito sa School niyo." Cath? Hmm. The corner of my lips lifted. Dapat mong layuan si Agatha kung ayaw mong i-damay kita sa mga gagawin ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD