Cath
Eight Days After Agatha's Death
Death of the one you really love is the most painful event that could ever happen to anyone. Ito 'yung panahong hindi mo maiiwasang kwestiyunin ang Panginoon.
Bakit kailangan Niya pang hayaang mangyari ito? Bakit sa lahat ng mga tao sa mundo, bakit iyong mahalaga pa sa 'yo ang Kanyang kinuha?
Masakit pero kailangan mong tanggapin. Iyon 'yung masaklap, eh. Iyong wala ka nang magagawa kundi ang tanggapin na lang. Ang lulukin na lang ang lahat ng sakit. Kasi wala na. Nangyari na. Tapos na. Wala na talaga.
Ngayon ang libing ni Agatha. Matapos ang araw na ito, hindi ko na siya makikita pang muli.
Parang ito yata 'yung araw na nagku-kumpirma na simula bukas, wala na. Wala nang Agatha ang tutulong sa akin sa tuwing nahihirapan ako sa mga lesson namin sa school. Wala nang Agatha ang sasabay sa aking kumain tuwing lunch. Wala na akong mapagsasabihan ng mga problema. Wala na akong maiiyakan. Wala na akong masasandalan.
Wala na.
Ako na lang ngayon.
Para bang ako ay nakulong ngayon sa isang madilim na silid na walang laman kundi ang sarili ko.
Walang liwanag. Walang pag-asa.
Ang tanging mayroon lang? Ang masasakit kong luha at mapapait kong paghagulgol.
Nakakaubos ng luha ang hapdi sa aking dibdib. Nakakapaos ang paulit-ulit kong paghagulgol. Nakakapanghinang tumingin sa bukas na walang Agatha na nag-aabang.
Masaklap.
Masaklap dahil sobra ko nang i-dinepende sa kanya ang sarili ko.
Noong namatay siya, parang namatay na rin ako.
Siya iyong salag ko, eh.
She is my beautiful facade against everything that will try to harm me.
Ngayong wala na siya, natatakot akong baka hindi ko ito kayanin. Na baka umiyak na lang ako nang umiyak. Na baka sumuko na lang ako.
***
Tuloy-tuloy na umagos ang luha sa aking mga namamagang mata noong nagsimula na kaming maglakad papunta sa sementeryo. Ang kasama kong maglakad ay ang mga kaklase ko. Halos lahat sa amin ay malungkot na humihikbi.
Ito na ang ating huling sandali.
Hindi na tayo magkakamali,
Kasi wala nang bukas.
Sulitin natin, ito na ang wakas.
Kailangan na yata nating umuwi.
Patuloy na nadurog ang puso ko habang sinasabayan ang kanta. This is Agatha's favorite song. Dati, kapag kinakanta namin ito ay nagtatawanan pa kami. Pareho kasi kaming sintonado.
After this day, I know that I have to delete this song on my music playlist. Malulungkot lang ako kapag muli ko itong narinig.
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo maghiwalay.
Lahat lahat ibigay, lahat lahat.
I cover my mouth as my sobs began to grew louder.
Ngayon ko lang napansin ang lyrics ng kantang 'to.
Ngayon ko lang ito pinagtuunan ng pansin.
Ngayon ko lang narealize na parang dati pa nagpapaalam sa akin si Agatha.
The lyrics said it all.
Dati pa siya nagpaalam sa akin.
Paalam sa'ting huling sayaw,
May dulo pala ang langit.
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw.
I shake my head as tears continued to blur my vision. Hindi ko kayang bumitaw, Agatha.
"Hindi ko pa talaga kaya." I said between my painful sobs.
From that moment, I cry harder. I can't help but to just let my tears to cascade down my cheeks.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, para bang mahihimatay na ako. My heart is in total pain that I can't utter any words just to describe how painful it is.
Losing a bestfriend is by far the most painful thing that I've experienced. It was too soon. Agatha's exit was too soon. I am borderline unprepared by it.
Tuluyang nang nanghina ang mga tuhod ko. Ilang segundo ay pakiramdam ko, matutumba na ako. Mabuti na lang at may biglang umakbay sa akin. Inalalayan niya akong makatayo at lumakad.
"Hey." Came by Luigi's breaking voice as my eyes met his red teary eyes. Sinuot niya ang shades na nakasabit sa polo-shirt niyang kulay puti.
I took a deep breath. I calm myself as I smile weakly at him. To lighten up our dull mood, I tried to mumble a joke, which is what I am good at whenever Agatha is sad. "Mukha kang member ng KPop Boyband." I chuckle and he joined me.
True to my words, mukha talaga siyang KPop Superstar. Iyong tipong lume-level sa kagwapuhan ng mga miyembro ng BTS at EXO.
"Kaya nga crush mo ako, eh." He muffled a laugh, but the sadness is still evident on his voice.
I just roll my eyes playfully, then swat him on his chest. Ang hangin talaga nito. Ipinulupot ko na lang ang mga braso ko sa baywang niya. I lay my head on his broad chest as we continue to walk.
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na kami sa sementeryo. Nakalagak na ang kabaong ng bestfriend ko sa gilid ng rektangulong hukay. Punong puno ng tulips ang kanyang kabaong, paborito niya kasing bulaklak iyon.
Luigi and I sat on one of the monoblocks that are sitting above the bermuda grass. And just like that, isa-isa nang nagsalita ang mga mahal sa buhay ni Agatha.
Ang nauna ay ang kanyang mga pinsan, pinaalala nila sa amin kung anong klaseng pinsan si Agatha. Binalikan rin nila ang isa sa mga masasayang ala-ala nila kasama ang bestfriend ko.
Noong ako na ang mag-sasalita, parang gusto ko na lang umurong. Ayaw kasing tumigil sa pagtulo ang lintik na mga luha ko! Sabayan pa nitong mahihina kong paghikbi. Nahihirapan akong magsalita!
I hold the microphone and cough for a moment. "Pagpapasensyahan niyo na po kung hindi niyo ako maiintindihan, ayaw kasing tumigil ng mga luha ko, eh." I continued sobbing and they all chuckle as if I am a stand-up comedian.
This is embrassing as hell.
Muli akong umubo. I cleared my throat. Nanginginig akong huminga nang malalim. "Agatha," the corners of my lips turned down, "that was the name that will forever etch on my mind as a journey worth reminiscing for."
Bumuga ako ng hangin. "Sa totoo po niyan, having Agatha as a bestfriend was essential," I smile as the memories of her flash on my mind as if it's a blockbuster film, "because she will make you worthwhile."
Huminga ako nang malalim, ang ngiti sa aking mga labi ay hindi pa rin naaalis. "Kapag naging kaibigan mo 'yan si Agatha, she will make sure that you will get all the best in life. She will bring the best in you. She will make you get away from the tight grasps of sadness as soon as possible."
"We've been bestfriends for almost a year now. Sa ilang buwan na iyon, wala kaming ginawa kundi ang magtawanan lang. Loka-loka din kasi itong babaeng 'to." Nagtawanan silang lahat, "Swear, sa sobrang lakas ng trip niyan, sasakit na lang talaga ang tiyan mo sa kakatawa."
"Iyon po ang dahilan kung bakit ang sakit niyang bitawan. Kung bakit ang hapding tanggapin na wala na talaga siya." Nagsimula na uli akong humikbi, pinunasan ko ang aking luha kahit na alam ko namang hindi iyon titigil. "Kung bakit ang hirap pong bumangon," I sob, "at harapin ang bukas na wala na siya."
I continued sobbing as I face her coffin, "Pero Agatha, I will be strong for you. I will show you that your bestfriend will be more, kasi iyon naman ang pangako natin sa isa't isa, 'di ba? We will be more." I put my hand above the glass of her coffin, infront of her face. I painfully smile, "See you again, Agatha. I will always miss you."
Lumapit na sa akin si Luigi at pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang panyo. I hug him as I continued sobbing like a kid. Inalalayan niya akong lumakad papunta sa upuan namin.
Matapos ko ay ang mga magulang naman ni Agatha ang nagsalita. Pinasalamatan nila kaming lahat. Lahat ng family relatives, friends, classmates, schoolmates at fans ni Agatha.
Before I even knew it, it was time for me to bid my final goodbye to my bestfriend. Napuno ng mapapait na hagulgol ang buong lugar noong nagsimula nang bumaba ang kabaong ni Agatha sa kanyang libingan.
Habang pababa iyon nang pababa ay ganoon din naman ang inilalakas ng aming paghagulgol. Sinabayan pa nito ng malamig na simoy ng hangin na para bang nakikiluksa sa amin.
As I continue to watch Agatha's coffin to go down until the bottom, I am smiling while tears are falling down to my cheeks. I mumbled my firm promises to her through my mind.
I promised her that I will straighten up all of my crooks. I will try harder for me to achieve the dreams I have just like what she always tell me when she's still alive.
Pinangako ko rin sa kanya na gagawin ko ang lahat para mabigyang kalinawan ang misteryoso niyang pagkamatay.
I will find the culprit who's responsible for her death.
I will make that person pay for what he did to her.
***
The next day, tamad na tamad akong nakatulala sa kisame ng aking kwarto. Kagigising ko lang. Bumuga ako nang hangin. Sa gitna ng buntong hininga ko ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Agad kong kinuha ito at sinagot ang tawag.
"Hello..." Walang gana kong sabi sa kanya.
"You free today?" Si Luigi pala, ano kayang kailangan nito?
Completely curious, I answer him. "Hmm." I narrow my eyes. "Yes, why?"
"Labas tayo? My treat."
Oh, is it a date? I grin but I quickly shake my head as I try to elude that idea to my mind. "Sure." I cough because of my weird thoughts. "Anong oras?"
"Ngayon na, nandito na ako sa harap ng gate niyo."
"Ahh..." Nagpatango tango ako habang pinaglalaruan ang daliri ko. Ilang segundo makalipas, biglang nanlaki ang mga mata ko.
Ha?! Sa tapat ng gate? Hala!
I cleared my throat, trying to calm myself down because I'll be f****d up if my parents saw him. "Kagigising ko lang, hoy!"
Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis. "Bakit pabigla-bigla ka?!" Langya namang lalaking 'to, gusto pa akong ipahamak!
"Papasok na ako sa bahay niyo, pinapapasok ako ng Dad mo."
And that was the moment I knew, I am dead.
Mabilis na akong kumilos. Agad akong pumasok ng banyo. Bahala na kung anong ligo ang gawin ko, kailangan kong matapos agad kasi never pang na-meet ng parents ko si Luigi. Baka akalain nilang boyfriend ko siya. Mahigpit na bilin pa naman nila sa akin na bawal pa akong magka-boyfriend.
Paniguradong mapapagalitan nila ako. Most expecially, paniguradong hindi nila ako papakinggan kahit ilang beses pa akong magpaliwanag.
Stupid Luigi! Babatukan ko talaga siya mamaya!
Lumipas ang ilang minuto ay nakaligo at nakabihis na ako. Swear, ito na ang pinakamabilis na ligo na nagawa ko sa buong buhay ko. Mabilis na akong lumabas ng kuwarto at pumunta na kung saan nandoon si Luigi. Napapangiwi ako noong naabutan kong iniinterogate na siya nina Mama at Papa.
I shake my head and groan in irritation. Agad kong hinila sa braso si Luigi at mabilis na hinila palabas ng gate. Noong makapasok na kami sa kanyang kotse ay buong lakas ko siyang binatukan. Glaring, I continuously smack his head.
"Aray!" He laughed as if enjoying my reaction.
"Nakakainis ka!" I pout as I pull his hair, "Kapag ako naging grounded bukas, sisikmuraan talaga kita!"
"Sorry, okay?" he is still laughing as he tried to move my hands away from hus hair, "Miss na kita agad, eh."
"Miss?" I heaved an exasperated tone. I stare at him with are you serious? look. Binitawan ko ang kanyang buhok at malakas siyang itinulak papalayo sa akin. "Ano tayo? Mag-jowa?!"
He laughed more, "That's the plan." Winking, he flashed his smile with all of his teeth.
"That's the plan mo mukha mo!" Pinag-titripan na naman ako ng lintik na 'to! Ang nakakainis, ang galing niyang mang-asar! "Mag-drive ka na nga lang!" I fasten the seat belt.
Tawa pa rin siya nang tawa noong nagsimula nang umandar ang sasakyan. He quickly navigated the car outside of our subdivision.
Dumako ang tingin ko sa daan kung saan ay may maraming mga puno. Ito ang parte ng lugar kung saan marami ang mga batang naglalaro ng soccer at baseball. Open field kasi ito na nilalatagan ng carabao grass. Hindi ito masukal kaya't tamang tama sa sports na kanilang nilalaro.
Nang makalagpas na kami doon ay ang bumungad naman sa aking mga mata ay ang mga nagtataasang pine tree. Nakahilera ito sa kalsada na para bang poste ng ilaw. Sa likod ng mga iyon ay ang lugar kung saan matatagpuan ang playground.
Tumingin ako sa doon.
Bakit walang mga bata ngayon dito?
When I steady my eyes on the swing beside the tunnel slide with play house above it, my jaw clenches.
Ang babae ay naupo sa swing habang nakaharap sa kanya ang lalaki.
Lucas at Stephanie.
Hindi ako maaaring magkamali, sila iyon.
Lumunok ako ng laway. Napapakurap. "Wait, Luigi. Stop the car."
Agad namang tinigil ni Luigi ang sasakyan. Mabilis akong lumabas at tumakbo papunta sa playground. Sinundan agad ako ni Luigi. Maingat kaming gumalaw hanggang sa tahimik kaming makapasok sa loob ng play house. Malaki ito kaya't nagkasya kaming dalawa. Mula dito, malinaw naming naririnig ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"Did you receive the email too?" Galit na tanong ni Lucas kay Stephanie. Parang nag-aaway silang dalawa.
Nagkatinginan kami ni Luigi. We were both shocked. Mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa kaba.
"Yes..." Malungkot na sagot naman ni Stephanie.
"You need to delete that, wala kang pagsasabihan na iba. Maliwanag?"
I gasp and Luigi is the quickest to cover my mouth with his hand.
Shit.
I am not ready for this revelation.
"How about Agatha's email account? Baka makita nila ang sent messages." Nangangambang tanong ni Stephanie.
"I will hire a hacker for that, don't worry. I will do this as clean as possible."