Zaire Emerald Xermin's Pov Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako para sa araw na ito. Hindi ko magawang lumabas ng unit ko dahil pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari. Wala ang CPO ngayon dito. May early meeting sila kay Heil na hindi pwedeng baliwalain kaya mag-isa lang ako. Damn it! Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Maliban sa sobrang negative ng pakiramdam ko, kung anu-ano ding pumapasok sa isip ko na lalong nagpapadagdag sa kaba ko. Aaarrrrggg! Iniling-iling ko ang ulo ko para maialis ang mga bagay na iyon. Walang maitutulong ang kahit isa doon sa akin. Ang kailangan kong gawin ngayon ay lumabas ng unit dahil may klase pa ako ngayon. Hindi ako pwedeng umabsent dahil mabibigyan na naman ako ng warning. Hindi porket malapit ako sa CPO boys, eh palalagpasin ng mga teache

