Zaire Emerald Xermin's Pov Ilang araw na ang nakalipas magmula ng magsimula ang Death Game at marami na ang namatay. Bawat minuto yata kung mag-beep ang mga suot na bracelet ng bawat estudyante sa paligid ko na nangangahulugang may laban na sila. Ako na nga lang yata ang natatakot sa nangyayari. Yung iba, parang nagsisimula ng matuwa o mas lalong natutuwa habang padami ng padami ang nagiging laban. At hindi ko na alam kung dapat ko bang ipagpasalamat o mas lalong ikatakot na hindi pa ako nabibigyan ng laban. Kinakabahan ako dito at baka may hindi magandang mangyari sa akin kapag dumating na ang turn ko. Hindi maganda ang larong ito ni Heil. Nakakatakot talaga ito. At para maging handa ako, palagi kong dala ang weapon ko na iniiwan ko sa kotse. Nakakailang naman kasing dalhin ang bow a

