Zaire Emerald Xermin's Pov Sabi nila, kapag malapit ka nang mamatay, maaalala mo lahat ang nangyari sa buhay mo. Yung mga sudden flashbacks about your good memories, then kasunod ng mga bad memories kasama na din yung mga bagay na pinagsisisihan mo. Pero bakit hindi iyon ang nangyayari sa akin ngayong malapit na akong mamatay sa kamay ni Emerlyn? Nakatutok na sa leeg ko ang kutsilyong hawak nya at alam kong hindi na din naman sya magdadalawang isip na laslasin ang lalamunan ko dahil sa matinding galit na nasa mga mata nya. At ang nasa isip ko lang naman kasi ngayon, baka hinahanap na ako ni McKenzie. Sigurado kasing naghihintay na yun at baka kapag hindi pa agad ako nakapunta sa kanya, mag-aalala na yun. Hindi ko din naman magawang makapag-text sa kanya dahil tumilapon ang bag ko kung

