Zaire Emerald Xermin's Pov Laking pasasalamat ko kay Dylan dahil hindi na nya sinabi sa iba lalo na kay McKenzie ang nangyari sa pagitan namin ni Emerlyn. Mas mabuti na kasi iyon dahil para maiwasan ang sobrang pag-aalala nila sa akin. Hindi naman ako napuruhan noon at sa ngayon, nagpapagaling nalang ako ng mga sugat na natamo ko ng araw na iyon. Hindi naman ito napapansin dahil sa lagi akong nagsusuot ng long sleeves or jacket para takpan ito at siguradong ilang araw nalang, tuluyan na itong gagaling. Naipaliwanag ko na din naman sa kanya ang mga dapat nyang malaman at alam kong hindi nya ako bibiguin. Tulad ng sabi nya noon, isa syang anghel noon kaya alam kong mapagkakatiwalaan ko sya. Nandito ako ngayon sa training room ko kasama ang walong CPO boys. Ilang araw din kasi akong hindi

