Dos

1309 Words
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Katapusan ko na ba? Wag naman sana, madami pa akong gustong gawin sa buhay. "Stupid." Mama ko, help. "Hey, stupid!" Napamulat ako ng mata ng may pumitik sa noo ko. Damon? Napatingin ako sa likod nito at ilan ay nakasalampak na sa sahig. Ang tanging nakatayo lang ay si Damon at ang kaibigan nito na nakangisi na sa akin, creepy. Tumingin ako sa dalawang lalaki na kanina ay palapit sa akin, may dugo ang dalawa sa mukha. "Anong nangyari?" Bulong ko. "Damn, I thought you're smart. So stupid-" "STUPID?! TAMA BA ANG NARINIG KO HUH?!" Di ko mapigilang ilakas ang boses ko dahil sa pang-iinsulto niyo. " You are stupid Garcia." "Anong-" "Hindi mo naisip na pwede kang madamay sa pagpunta mo rito, so stupid." Iniwan na niya ako pagkatapos sabihin 'yun. Anak ng, ako stupid? Bwesit! "Haha, Ikaw naman kasi miss bakit nandito ka. Ayan tuloy muntikan ka na sa dalawang yan, buti na lang mabilis si Damon kumilos. Tsk tsk tsk," naiiling pang sabi ng lalaki bago sumunod kay Damon. Mabilis naman akong umalis rin sa lugar. Iwan ba naman ako kasama ang mga lalaking 'yun. Dumeretcho ako sa guidance office para magreport ng nangyari. Pagkatapos ko duon at pumunta na ako sa room namin. Nadatnan ko na duon si Damon na natutulog sa likod. "Saan ka galing? Tumawag ako kay Yaya maaga ka raw umalis," tanong ni Steph. " Dyan lang kung saan saan, pinatay ang oras. " Tamad na saad ko habang masama pa ring nakatingin sa tulog na lalaki. Bwesit siya, tawagin ba naman ako Stupid? Ako na laging A+ sa klase? Stupid? Aba, hindi ko matanggap. "Sis, ang aga aga sama na ng tingin mo kay Mr. Perfect." "Ang pangit kasi," inis na saad ko bago sumalampak sa upuan ko kaya nakagawa ito ng ingay. "Hoy, dahan dahan naman may natutulog." Sita sa akin ni Janet ang isa sa may crush kay ogag. "Bakit tulugan ba 'to?" Pagmamaldita ko. "Sis, kalma. Bakit ba parang wala ka sa mood? " Natatawang sabi ni Steph. " Mukha kang naghahanap ng away eh. " "Bwesit kasi yung mga taong bastos at kala mo perfect!" "Ano bang nangyari? Kwento ka na. " Sakto namang dumating si Ma'am Ana. Si ma'am Ana alam ko kamag-anak ito ng may-ari ng school. Malayong pinsan ata ni Ogag, nga pala si Ogag ay anak ng may-ari ng school. Sinabi ni ma'am Ana na magkakaruon ng report next meeting at by partners ang mangyayari. "What do you want ako ang magpapares sa inyo o bunutan na lang?" "Bunutan ma'am! " sabay sabay na sagot. Kaya sinulat naman ang namin sa maliit na papel at nilagay sa bowl sa harap. "Sana kasama kita sis." "Para ako lang gagawa?" "Syempre tapos ako na ang bahala magreport, haha." Isa isa ng tinawag sa harap para pagbunutin. May mga reklamo at may iba naman na gusto ang nabunot. "Maem naman baka pwedeng ulitin ko. Bobo na nga ako tapos ang nabunot ko pa mas bobo paano na ako maem, " reklamo ni Jose o Josephine sa gabi. Ang bakla naming classmate. " Sino ba nabunot mo? " Tanong ni Ma'am. "Sino pa maem edi yung muse natin na si Angelica," asar na saad nito na ikinatawa namin lahat. "Hoy, Jose makabobo ka naman sa akin. Kung ayaw mo ako, ayaw rin kita bobo ka kaya. " Sagot naman ni Angelica. "Oh tatanggi mo pa? Matalino ka? " Pambabara ni Jose buti pinigilan na sila ni Ma'am. "Kung sino ang mabunot niyo yun na yun. Wala ng palitan, pagtiisan niyo ang isa't isa." Tumayo na rin si Steph at ang nabunot niya ay hindi ako kaya nakasimangot ito na umupo. "Malas, sabi ko dapat Ikaw eh." "Okay lang 'yan. Tulungan ko na lang kayo," saad ko na nagpangiti naman rin. Grade conscious din kasi yan di lang halata. Tumayo na ako ng maghiyawan ang mga lalaki sa likod. "Woah, sana ako ang mabunot mo Amara." "Ako na lang, tutulong ako sigurado." "Tayo na lang Amara, uupo ka lang ako na gagawa ng report." "Ako na ang maswerteng mabubunot niya, ako na bahala sa meryenda mo Amara." Nahihiya naman ako kay Ma'am dahil sa mga sinasabi ng mga classmates ko. "Mukhang gusto niyong makapartner si Amara para siguradong mataas ang grades huh," pagsakay ni Ma'am. "Ma'am si Amara na yan, choosy pa ba kami? Maganda na matalino pa," saad ni Giovanni ang isa sa magulong classmates namin. "Duh, mas matalino kaya si Damon." Rinig kong sabi Jessica. " Oh tapos? Eh Ikaw mas matalino pa sayo ang sister ko. Ang layo ng pagitan," rebutt ni Steph. Di na sumagot si Jessica at inirapan na lang ako. Bumunot na ako at pupunta na sana sa upuan ng tawagin ako ni Ma'am. " I think gusto ng lahat na makita kung sinong nabunot mo. Open it here," nakangiting sabi ni Ma'am. Napatingin naman ako kay Damon na gising na pala at tamad na nakatingin sa akin. Inirapan ko nga siya Pagkabukas ko ng paper. DM Huh, DM? Sino? "Sinong nabunot mo Amara?" "Ma'am di ko po Kilala," sagot ko bago inabot sa kanya ang maliit na papel. Naiiling si Ma'am ng makita ang nakasulat. "Really, Damon? Hirap bang isulat ng full name mo?" Nagulat naman ako, si Ogag ang nabunot ko? "Too lazy to write," cool na sabi nito. "Ma'am madaya, bakit sila ang mag-partner." "Ma'am Hindi makatarungan, dalawang matalino yan oh." " Kaya nga ma'am dapat paghatian ang mga matalino matalino." Nag-ingay ang buong klase dahil sa reklamo ng lahat. Ako naman ay nakatingin lang kay Damon. Wala na akong paki sa mga reklamo, dumeretcho ako sa upuan ko at tinignan nang masama si Ogag. Wala ng nagawa ang reklamo nila dahil sinabi ni Ma'am na walang palitan. Dalawang araw na mula nun di pa rin kami nag-uusap ni Damot at sa Friday na ang report. "Sis, wala pa rin?" "Kaya ko namang mag-isa," saad ko habang inaayos ang report ni Steph at partner niya. Sila naman ang gumawa, inaayos ko lang 'yun misinformation na iba. "Di ba sabi ni Ma'am dapat dalawa kayong gagawa? Kausapin mo na," pagsabat ng partner ni Steph si Ryan. "Ako ang lalapit? No way." "Para sa report sis. Baka pagalitan ka ni Ma'am. " Tama naman sila kaya pagdating ng hapon, inabangan ko si Ogag sa parking lot. Tumayo ako mismo sa gilid ng kotse nito. "Buti naman nandito ka na, kanina pa ako naghihintay. Anong plano mo sa report natin? Ano alangang ako lang ang gagawa? Ano ka siniswerte. Dapat pare-" Di ko natuloy ang sasabihin ko ng nilagay nito ang ilang papel sa ibabaw ng libro na dala ko. "Done, just do the reporting on Friday." Nilampasan niya ako at pumasok na sa kotse niya. Nakaalis na siya ng I check ko ang binigay niya. Kompleto, wala na akong gagawin. Di rin kailangang ayusin dahil saktong sakto lang lahat ng nakasulat. Talagang niresearch niya lahat, walang kulang. Masakit man sa loob ko dahil wala akong ambag sa research, wala na akong nagawa kundi aralin para sa pag report. Kailangan ko ring ipakita sa kanya na magagawa ko ang part ko, yun ay Ang magreport ng ginawa niya. Dumating ang Friday at di pumasok si Ogag. Magpapasikat sana ako sakanya para ipakitang di ako stupida. Kaming dalawa ang nakakuha ng mataas na grades reporting. Tinanong pa ako ni Ma'am kung tumulong si Ogag at syempre kahit galit ako sa kanya sinama ko pa rin. "Congratulations, sis. Expected naman ng lahat ng yung report niyo ang mataas na grade." " Bumili ka na naman sa akin," natatawang sabi ko. "Lagi naman, pero alam mo ba balita ko nasa hospital si Damon. Narinig ko lang kanina kay Ma'am Ana kausap si sir Castro." "Huh? Ano daw nangyari?" " Ay concern na, isang reporting pa lang. Iba na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD