Uno

1302 Words
Late na naman ako. Pagkababa ko ng jeep mabilis na akong bumaba at patakbong pumasok sa school. Bakit kasi ang layo layo ng gate, kapagod tuloy. Konting tiis na lang last year ko na sa senior high. "Hi, sis. Tumakbo ka na naman. Sana sumabay ka na sa akin kanina," sabi ni Stephanie pagka-upo ko pa lang. Siya ay step-sister ko. "Pinalinis ni Tita ang room mo sa akin bago ako hinayaang umalis," saad ko. "Oh my, sorry. Sabi ko naman kay Mommy ako na 'yun eh." Nagkwento pa siya tungkol sa mga crush niya kuno pero tanging tango lang ang sagot ko dahil busy ako sa binabasa ko. Natigil lang ako ng dumating ang teacher at tulad ng inaasahan ko may quiz agad. "Ma'am naman, lunes na lunes quiz agad?" "Kaya nga po ma'am baka pwedeng-" Di natuloy ang sinasabi nila mag-umpisa agad si Mr. Castro. Aligaga ang lahat sa pagkuha ng papel at ballpen. "Sis, penge." Hindi lang papel ang hiningi ni Steph sa akin pati sagot, okay lang naman sa akin dahil minamali naman niya ang iba. "Ang smart mo talaga, sis. Buti katabi kita," bulong sa akin ni Steph habang nagccheck na ng papel. "Who got the highest score?" "Sir walang iba kundi ang sissy ko," proud na proud pang sigaw ni Stephanie. "Naks, walang palya Amara." "Beauty with brain eh." Ngumiti naman ako sa mga classmates ko na puro papuri. "Good job, Amara. Sino pa?" Lumingon naman ako sa likod para tignan ang nag-iisang tao na alam kong naka-perfect rin ng score. Langya, natutulog ang loko. Ito 'yung klase ng tao na wala namang ginagawa sayo pero maiinis ka na lang talaga. "Hoy, Montemayor. Score mo?" Tanong ko sabay kalabit sa braso nito. Wala namang naglalakas ng loob na kausapin ito dahil nakakatakot. Alam kong sa amin na ang attention ng lahat maski si Sir. Umayos ito ng upo at masamang tumingin sa akin. Inabot nito ang papel niya sa akin pero di ko kinuha, si Steph ang kumuha na kinikilig pa. "Sir pati si Damon perfect score. Perfect na perfect," papuri ni Steph kaya napairap ako sa taas. "Pa-main character ka. Gusto mo ginigising ka pa," inis na saad ko. "I didn't order you to wake me up, Ms. Garcia. You also know that I'm smarter than you kaya kahit di ako magsalita alam mo na perfect ang score ko," mayabang na sabi nito. Sasagot pa sana ako ng magsalita na si Sir. Kainis talaga. Buong klase tuloy nawala ako sa mood. Oo matalino siya pero di naman nalalayo sa akin, baka nga mas higit pa ako. "Sis, chill ka lang. Bakit ka ba naiinis? Tama naman si Damon, kahit nga di magsalita yun alam natin na perfect score siya wala ng bago duon. Gwapo pa kaya hayaan mo na," kinikilig na saad ni Steph. " Gwapo saang banda?" Tanong ko. "Eyes up, Ms.Garcia." Para naman akong nahipnotismo sa boses ng kung sino kaya napatingin ako sa taas. Nakatayo sa harap ko si Damon habang seryosong nakatingin sa akin. Ang pulang labi, ang tangos ng ilong, ang kinis mukha at napagandang mata. Grabe ang face card. "HOY, HAHAHAHAHA!" Napakurap ako sa malakas na hampas ni Steph sa akin. "Natulala ka hahaha, nakakahiya kay Damon para kang nasapian na nakatitig. Walang agawan ng crush." Ay Tanga Tanga. Ano na lang iisipin nun. Sa dami daming lugar na matutulala ako sa harap niya pa talaga. Kainis! Bakit naman kasi ganun ang mukha, huminto pa talaga sa harap ko. Hanggang matapos ang buong klase iniwasan kong mapatingin sa kanya. Nakakahiya kasi. "Lika, sabay ka na sis." May sariling sasakyan si Steph, regalo ng Papa sa kanya last year. Ako? Wala. Sanay naman ako, mula ng mawala si Mama parang nawalan na rin ako ng Papa. Kakamatay lang ni Mama nuon at wala pang tatlong buwan inuwi niya na si Steph at ang Mama nito sa bahay. Si Steph at matandan sa akin ng isang taon, di ko man tanungin kitang kita na Ang ebidensya na niloko ni Papa si Mama noon. "Buti nakarating ka na, magbihis ka at linisan mo ang kotse ko. Gagamitin ko ng maaga bukas," utos ni Tita sa akin. " Mommy, ano ba?! May katulong naman bakit si Amara pa ang uutusan mo?" Malakas na saad ni Steph na kakapasok lang. "Busy ang lahat ng-" "No, di siya pwede. Tuturuan niya ako sa assignments namin." Sabi nito sabay hila sa akin pataas. Nakayuko lang ako pero ramdam ko ang masamang tingin sa akin ni Tita. "Haitz, pasensyahan mo na si Mommy. Menopause na kasi," biro ni Steph. Sa bahay na ito si Steph lang ang kakampi ko. Kahit papaano nakakapagpahinga ako pag nandito siya. Kontra kasi ito sa mommy niya. "Salamat," bulong ko. "Maliit na bagay. Ano pa ate mo ako kung di kita ipagtanggol di ba?" Magiliw na saad nito. Nang iuwi sila ni Papa rito nagtampo ako, ilang beses akong nagsabi kay Papa na ayoko sila rito. 11 lang ako nuon kaya tanging pagmamakaawa lang ang nagawa ko kay Papa, sinabi ko na hintayin muna ang isang taon bago siya maghanap ng iba pero walang nangyari. Ang matindi pa, kita niya na mahigpit sa akin ang bagong asawa niya pero nagbulag bulagan siya. Pinili niyang pumanig lagi sa Asawa niya. Wala akong magawa, di ako pwedeng umalis dahil wala na akong ibang matatakbuhan. Pasalamat na lang talaga ako at nandito si Stephanie. Kahit magkapatid lang kami sa Ama, naging kakampi ko pa rin siya kahit papaano. "Sis sa tingin mo may girlfriend na si Damon?" "Ewan ko, wala naman tayong nakikitang babae na kasama niya. Tsaka mailap yun sa babae di ba." " Sa tingin mo bagay kami?" "Nope," sagot ko kaya napasimangot ito. "Haha, di ba nga gusto nun matalino. Kasi di ba Ang famous line niya I hate stupid people " " So bobo ako?" "Hindi naman," sagot ko bago siya nginisihan. " Hindi ka rin naman matalino." "Ay grabe." "Joke lang, bakit ba kasi crush mo yun? Masamang ugali, hindi ngumingiti, ang hilig magpahiya ng tao, bossy tapos nakakairita ang presensya niya." Ewan ko sa mga studyante sa school bakit madaming may crush sa lalaking yun. Gusto nila badboy tapos pag naloko iiyak, tsk. Kabobohan. "Asus, galit ka lang naman sa kanya dahil lagi kayong naglalaban sa lahat ng bagay. Tapos aminin mas matalino talaga siya, kita mo naman di natin nakikitang nag-aaral pero perfect." Lumapit ito sa akin at inakbayan pa ako. "Okay lang 'yan sis, ang importante pangalawa ka sa kanya. " Pangalawa? Yan ang pinaka ayokong naririnig. Pangalawa ka sa kanya. Balang araw mauunahan ko rin ang lalaking 'yun. --- Nagising ako 5am pa lang, agad na akong nagbihis at nauna ng umalis. Wala si Papa nasa ibang bansa para sa business trip, at sa ganito panahon sigurado ako na maaga akong aalilain ni Tita, wala pa naman si Steph dahil nakitulog ito sa bahay ng ibang kaibigan niya. Tumambay na lang ako sa 7/11 malapit sa school. 8 pa ang klase kaya may oras pa akong magbasa at magreview. Mag alas siete na ng maisipan Kong pumasok sa school dahil need ko ring gumamit ng Cr pero napahinto ako sa likod ng school ng makita ko ang kumpulan ng ilang lalaki. "Hoy, ano yan?!" Sigaw ko ng makitang may nagsusuntukan sa gitna. Lumapit pa ako at nakita ko si Damon at ang isang kaibigan nito na nakikipagsuntukan sa ilang lalaki. Geez, wrong move. Napaharap sa akin dalawang lalaki. "Ms. Amara Garcia, kita mo nga naman. Talaga palang napakaganda mo sa malapitan," sabi ng isang lalaki habang palapit sa akin. "A-ano-aalis na ako," utal na sabi ko. Kainis bakit kasi pabigla-bigla ako. "Aalis? Bakit di ka makipagkilala sa amin?" "Hehe, di na po. May klase pa ako," takot na saad ko habang paatras. Putik, pader! Lagot na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD