20. Trap NAGISINS SI Alluka dahil sa matinding ingay. Kanina pa siya nakakarinig ng nagsisigawan kaya napilitan siyang tumayo sa higaan. Pagtulog na ang naging paborito niyang gawin nang mapunta sa isla. Iyon kase ang bagay na matagal na ipinagkait sa kanya sa bilangguan kayan naman sinusulit niya na ngayon. Magkasama sila sa kwarto ni Goldee ngunit mukhang kanina pa ito nagising. Wala kase siyang nabungarang nakanganga at tulo ang laway na natutulog sa itaas ng double deck. Nang mapatay ang aircon ng kwarto ay lumabas na siya kaagad ng pinto. Hindi niya pinansin ang magulong buhok. Bumabalik na iyon sa gusto niyang haba matapos maputol nang dahil sa lason. Hindi na rin siya nagmumog. O kahit silipin ang mukha sa salamin ay hindi niya ginawa. Ganoon naman siya, walang pakialam sa its

