75. Squad HINDI PA RIN humihinto sa pagtakbo ang mga Platoon na kasama ni Pink habang nakasunod siya. Hanggang hindi pa nakakapasok ang mga ito sa Maze, hindi pa tapos ang kalbaryo ng lahat. Ang sakop ng Micro Chipped Detector ay hanggang sa b****a lamang ng Maze. Kapag wala na iyong na-detect na may MCD sa ulo saka lamang hihinto ang nasabing bala. Gusto niyang tulungan ang lahat ng Platoon na pilit pa ring lumalaban para sa kanilang sariling buhay ngunit wala siyang kapangyarihan na gawin iyon. Isa lamang siyang simpleng tao na normal sa loob ng isla. Wala siyang kakayahang magawa ang lahat ng naisin dahil alam niya rin sa sarili na kahit ang paghinga niya ay nasa bingit na rin ng kamatayan. Hinahanap din siya ng mga namumuno sa isla upang patayin. Ililigpit siya dahil isa siya sa mga

