28. Guilt PATULOY PA RIN sa pagtatawanan ang tatlong lalaki habang pauwi ng kanilang bahay. Hindi rin nila namalayan ang paglayo ni Blaze at pagsunod naman dito ni Goldee noong binabaybay na nila ang kagubatan. Tahimik kase na naglakad ang dalawa. Malayo din ang mga ito sa kanila kaya hindi talaga mapapansin. “G*go talaga ang acting ni Goldee kanina!” Tumatawang saad ni Gable. Bilib na bilib pa rin ito sa ginawa kanina ni Goldee. “Nakita mo mukha ni Blaze? Hindi maipinta!” saad ni Xenus habang hawak-hawak ang tiyan na nanakit katatawa. “Oo,” sagot ni Sage habang nakatingin sa bahay nila. Nagtuloy-tuloy sila sa pagpasok sa kuwarto ni Alluka nang makitang wala namang nakatingin sa kanila. Bumalik na rin ang pagiging seryoso sa tatlo. Wala na ang mapagbirong itsura. Narinig ng tatlo an

