54.2 Smoke “KAYO NA raw, Unnie?” gulat na tanong ni Goldee kay Alluka. Tutok na tutok pa ang mukha nito sa kanya. Tila ba inaalam nito kung nagsasabi siya ng totoo. “Kase kung oo, opposite do attract talaga, Unnie. Sa ingay ba naman ni Kuya Sage?” Napakamot nang wala sa oras ng ulo si Alluka. Nakalimutan niyang hindi nga pala lahat ng kasama niya sa bahay ay lalaki. Narito nga pala si Goldee na mang-iintriga sa kanya. Hindi niya naihanda ang sarili. “Unnie, thank you...” nakangiting wika ni Goldee at niyakap siya. Nagtaka man si Alluka ngunit pinili niyang tapik-tapikin ang likod nito. “For what?” hindi niya napigilang itanong dito. “For visiting me all the time kahit wala naman akong malay. I know it’s dangerous but you choose to see me,” saad nito bago kumalas ng pagkakayakap sa kan

