62. Siblings PATULOY NA sinusunod ni Sage ang planong napag-usapan nila ni Alluka. Kada isang missile na made-deactivate nila ay magkikita silang muli upang kamustahin ang isa’t isa. Ginagawa nila ito sa tuwing sasapit ang gabi. Ganoong oras lang pwede nilang samantalahin ang pagkakataon sapagkat madali silang makapagtago sa dilim. Hindi rin kaagad sila mahahagip ng CCTV camera dahil kakaunti lamang ang ilaw sa isla. Madali nilang magagawa ang dapat na gawin nang hindi nag-aalala. Ngunit ngayong gabi hindi nakasama si Alluka sa kanya. Wala pa rin itong malay kaya mag-isa siyang kumikilos. Gusto niya mang dalhin ito sa mga kapatid ngunit napakalayo. Maaring mapahamak sila kung ipipilit niya ang gusto. Natapos na nila ang isang linggo. Mayroon na silang dalawampung bomba na na-deactivat

