61. Monitoring SERYOSO ANG naging pagtutok nila sa harapan ng mga monitor. Sa ilang araw na lumipas ay matiyagang nagpapalitan ang magkakapatid na Dela Vega upang mabantayan si Sage na lumalaban ngayon sa isla. Kasama nito ang bunsong Naraja. Alam nilang hindi lamang ito para sa kapatid niya dahil lahat ng mangyayari dito ay kalakip ng mas maraming buhay sa labas ng isla ang masasalba. Kasama sila sa maililigtas ng kapatid sa oras na magtagumpay ito sa planong gagawin. Ngunit ang planong iyon ay isang malaking palaisipan pa rin sa kanila. "Ano bang pinaplano ni Sage, Violet?" Umiling muna ito bago sumagot. "Sa totoo lang, hindi ko alam ang tinatakbo ng utak ng bunso natin, Rex. Marami siyang pinaplano na hindi ko maintindihan. Pero ang sabi niya, kailangang magtiwala tayo 'di ba?”

