60. Running PATULOY NAMAN sa pagtakbo at pagtatago sila Alluka. Hindi nila akalaing labis silang mahihirapan sa labang pilit na ipinapanalo. Hindi lamang buhay ng mga kaibigan nila ang nakataya nang mga sandaling iyon. Alam nilang nakasugal din ang buhay ng mga taong inosente at walang kamalay-malay. Kailangan din nilang pangalagaan iyon. Hindi man maintindihan ng nakararami ang kanilang ipinaglalaban, ginagawa pa rin nila ang lahat upang malampasan ang pagsubok na pinagdadaanan. Pinakiramdaman pa nilang muli ang paligid bago tumakbo sa ikatlong pagliko. Ganoon na lamang ang gulat ni Alluka nang hindi niya naramdaman ang isang presensya. Bigla na lamang siya nitong sinakal mula sa itaas ng puno gamit ang hawak nitong kadena. Parang mapapatiran siya ng paghinga dahil sa kadenang naka

