68. Rubik’s HINDI MAWALA ang pagkakangisi ni Helga habang papalapit sila sa Main Base. Nagkaroon na kase ng desisyon ang ibang namumuno sa islang ito na tapusin si Pink Dela Vega. Hindi siya tumigil para mapaoo ang mga ito kaya ganoon na lamang ang sayang nararamdaman niya ngayon. Pakanta-kanta pa siya at patingin-tingin sa paligid habang hindi mawala ang ngiti sa labi. Kung patuloy na haharang ng mga ito ang susunod niya pang mga plano, wala na siyang magagawa kung hindi ligpitin ang lahat ng tataliwas sa desisyon niya. Naramdaman niya ang matinding kapagyarihan nang magpunta siya sa isla. Walang kahit na sino ang may karapantang alisin iyon sa kanya kahit pa ang mga nakakataas ding katulad niya. Hawak niya na ang lahat ng tauhan sa buong lugar na ito. Maging ang ilang bahagi ng Pla

