67. Rope PATULOY NA lumalaban ang magkakaibigan para sa sarili nilang buhay. Ngunit kung minsan ay tinatanong na rin nila ang sarili kung para saan pa ba ang dahilan ng paglaban gayong alam din naman nilang mamamatay sila? Kahit sino ay mawawalan ng pag-asa nang mga sandaling iyon. Limitado na lang ang tubig na mayroon sila. Nanggaling pa iyon sa nakaraang pag-ulan na inipon lang nila para may magamit kung sakaling kailanganin. Tama lamang na madampian ng tubig ang lalamunan at labi nila upang hindi sila tuluyang manghina. Lahat na ng paraan para mabuhay ay kanilang ginagawa. Hindi sila pwedeng sumuko lalo na kung alam nila sa sariling pinagmamasdan ni Helga kung paano sila nahihirapan. Hindin nila ito bibigyan ng ikasasaya hangga’t kaya nila. Sa ganoong paraan lanag sila makakabawi sa n

