18. Teasing PINAGMASDAN nila ang kabuuan ng sikretong hideout. Napakaganda. Parang man cave ang lugar. Lahat ng kailangan ay naroon na. Unang sinuri ni Alluka ang pagkakagawa ng pader. Pinaghalong steel iyon at mapapansing ang bawat pundasyon ay matibay. Hindi madaling matibag kung sakali mang subukang wasakin ng kahit sino. Kaparehas ng materyales na ginamit sa pagbuo ng pader sa Fortress. Black interior ang tema ng lugar ngunit dahil sa ilaw na kulay asul ay nagmumukhang kulay asul rin ang paligid. May mga alak na nakabungad sa harapan ng hagdan. Iyon ang unang makikita kapag nakababa mula sa itaas ng bahay. May billiard table sa kaliwang bahagi ng hagdanan. Malapit doon ang isang napakalaking halaman na may malalaking dahon. Dahil nasa ilalim ng bahay ang lugar kaya naman hindi

