8. Morning

1587 Words
8. Morning   HINDI MAPAKALI si Sage. Kanina pa paikot-ikot ang binata. Wala pa rin si Blaze at hindi pa nagpapakita magsimula nang magsabi itong kukuha ng mga panggatong. Ngayong gising na ang dalaga, balak niyang magpaalam para hanapin ang kaibigan. Maghahanap din siya ng makakain dahil wala pang laman ang tiyan nila magsimula kahapon. Ngunit bago pa man mabuo ang desisyon niya na umalis ay lumitaw ang kaibigan na iniisip niya. May dala-dalang buko si Blaze at isdang buhay. Kasunod naman nito si Goldee. May dala naman itong mga prutas. Sinundan naman ni Koddie na may dala-dalang panggatong. “Nag-picnic kayo?” tanong niya sa tatlong kaibigan. “Mukhang hindi...” sagot niya rin sa kanyang tanong matapos makita ang itsura ni Koddie at Blaze. “My gosh, Oppa!” eksaheradong pahayag ni Goldee. “Alam mo ba, para akong nakalaklak ng sampung karton ng kape magsimula kagabi dahil sa matinding nerbyos? O to the M to the G! Para kaming ginawang hayop ng mga humahabol sa amin. Akala ko katapusan na namin ni Kuya Koddie. Mabuti na lang dumating ang pangit na ‘yan!” saad ni Goldee at itinuro si Blaze. “Tsk.” Pumalatak si Blaze bago bitiwan ang mga hawak. “Oppa, hindi pa namin nakikita sila Gable,” saad muli ni Goldee bago nito mapansing naroon si Alluka. “Oy, nandiyan ka pala, Unnie! Kumusta sugat mo? Ayos lang ba?” “Yeah,” matamlay na sagot ni Alluka. “Hala? Galit ka? Kuya lang ibig sabihin ng oppa parang ikaw, tawag ko sa ‘yo unnie, ibig sabihin ate.” “You don’t have to explain yourself, Goldee. I know,” walang pa ring ganang sagot ni Alluka bago ipikit ang mga mata. “So, what happened?” tanong ni Sage kay Goldee bago umupo malapit sa tabi ng dalaga. Kinuha niya ang isang buko at sinimulang buksan iyon gamit ang patalim na dala ni Blaze. “They hunt us like an animal. Those assh*le motherfvcker—pwe!” natigil si Goldee sa pagsasalita matapos pasakan ni Blaze ng dahon ang bibig nito. Kaagad naman iyong dinura ni Goldee. Walang pakialam si Blaze at hindi pinansin ang masamang titig ni Goldee. “Bunganga mo kase. Buti nga!” Tumatawang saway ni Sage. “Hoy, Koddie! Galaw-galaw rin baka puntahan ka ng masamang espiritu!” Pinukaw niya naman ang atensyon ni Koddie. Napansin niyang kanina pa ito nakatingin kay Alluka at hindi inaalis ang tingin sa dalaga. Doon lamang nakuha ni Sage ang atensyon ni Koddie nang tapikin ni Goldee ang hita nito. Nagtaka si Sage sa inaasta ng kaibigan ngunit hindi siya nagsalita. Baka may malalim lang itong iniisip. “May mga humahabol sa amin. Sa palagay ko, tayo ang target nila. Hindi ka lang, Sage,” sagot ni Koddie. “Natatandaan ko pa kung paano kami habulin ng limang asassin kagabi. May ibang kalahok kaming nakasalubong ngunit hindi nila pinansin ang mga ito. Nilagpasan lang nila at ipinagpatuloy ang panghahabol sa amin.” “Kailangan nating makita sila Gable kung ganoon,” saad niya sa kaibigan. “Anong balak mo ngayong nalaman mong nandito ang Tita Helga mo?” tanong ni Koddie sa kanya. “Kilala ba talaga namin siya? Kung oo, imposible namang hindi kami makatunog.” Bahagyang natawa si Sage. “Kilalang-kilala. Pero katulad ng sabi ko, hindi ko sasabihin kung sino siya. Alam ko ang takbo ng utak niyo. May plano ako.” Walang alam ang mga kaibigan niya tungkol kay Helga. Tanging pangalan lamang ng mga ito ang alam nila. Bukod doon ay wala na. Kahit si Koddie na pinakamagaling umalam ng pagkakalinlanlan ng isang tao ay walang makitang kahit anong tungkol kay Helga. Siya mismo ang humaharang para hindi malaman ng mga ito. Ayaw niyang ilagay sa alangin ang buhay ng mga kaibigan. Sarili niya iyong laban. Hangga’t kaya niyang ilayo sa panganib ang itinituring niyang pamilya ay gagawin niya. “Malawak ang kabauan ng isla. Hindi ko alam kung hanggang saan ang sakop ng mga namamahala rito. Kailangan nating makakuha ng magandang kampo nang sa gano’n ay maging ligtas tayo. Mas maganda kung ang makukuha natin ay lugar na walang mga matang nakabantay sa atin katulad na lang dito,” mahabang paliwanag ni Koddie. “Kung ganoon, kailangang nating manalo,” seryosong saad ng binata bago tanggalin nang tuluyan ang balat sa itaas ng buko. “Matagal pa iyan?” tanong ni Goldee kay Blaze na nagpapalingas. Katulad ng dati, hindi na naman kumibo si Blaze. Dalawa talaga ang ugali nito kapag si Goldee ang kausap. Maaring tuloy-tuloy ang pagsasalita, o ‘di naman kaya’y hindi talaga sasagot. Kung madaldal si Blaze kapag siya ang kausap. Mas madaldal ito kapag si Goldee na ang kabangayan. Sadyang pinipigilan nitong makipag-usap kay Goldee. “Babaeng pinaglihi sa dalaw,” tawag ni Sage kay Alluka bago tapikin ang braso nito. “Inom.” Inginuso niya ang buko na nasa kamay. Tinitigan lang iyon ni Alluka noong una. Akala niya’y wala itong balak na kunin. Ngunit bago pa mangalay ang kamay niya’y hinablot na iyon ng dalaga at tinalikuran siya. “Wow!” eksaheradong saad ni Sage. Nagulat siya sa inasta nito. “Thank you talaga, ha? Ang gwapo ko masyado para mainis sa ‘yo. Pasalamat ka, marupok ako!” Pumalatak lang si Alluka at hindi pinansin ang binata. “Daming sinabi, Kuya Sage? Wala siya sa ‘yong pake.” Tumatawang saad ni Goldee. Hinahampas pa nito ang katabing si Blaze na hindi naman nagrereklamo. “Effort pa, mga tatlong paligo, Kuya Sage.” Kinindatan siya ni Goldee at nang-aasar ng tingin. “Pagkatapos naming kumain, hahanapin namin sina Xenus at Gable. Babantayan mo si Alluka, Goldee. Hindi dadaldalin, nagkakaintindihan tayo?” Sumimangot lang si Goldee sa kanya at hindi pinansin ang mga sinabi niya. Sinimulan nitong balatan ang prutas na hawak. Kung patigasan ng ulo ang pag-uusapan, si Goldee na yata ang number one. Kapag naniwala ito sa isang bagay ay mahirap na iyon madaling baguhin. Sinimulan nang ihawin ni Blaze ang mga isdang dala-dala. Dahil sa inip nila at gutom ay inuna nilang kainin ang mga napitas na prutas. Naging tahimik ang pagkain nila pagkatapos maluto ng isda. Tila nagrereserba ang tatlong binata ng lakas para sa susuunging laban mamaya. Alam nilang hindi na laro ang ginagawa nila. Lahat sila ay nakalagay ang isang paa sa hukay. Hindi sila pwedeng gumawa ng bagay na ikapapahamak nila. Maraming tao ang umaasa sa kanila kahit hindi alam ng mga ito ang nangyayari ngayon sa isla. Katulad ng pinag-usapan, sinimulan nila Blaze ang paghahanap sa dalawa pang kaibigan na nawawala pagkatapos kumain. Kung babalik sila sa Main Base, kailangang kompleto na sila. Hindi siya mapapanatag hangga’t hindi nahahanap ang dalawa. Siya ang tagahawi ng mga talahib na humaharang sa kanilang daraanan dahil siya ang nasa unahan. Ginagamit niya ang patpat na hawak nang sa gayon ay hindi iyon lumapat sa balat niya. Kasingtataas ng tao ang iba sa mga talahib. Nagawang pagmasdan ni Sage ang kabuuan ng lugar. Hindi siya makapaniwala na may ganitong lugar na makikita sa mundo. Sanay kase siyang ang syudad lamang ang nakikita. Malawak ang isla kaya nagagawa rin ng mga hayop na nakatira doon na maging malaya. Nakikita niya pa ang mga ibong malayang nakakalipad. Ang mga puno na sagana sa bunga at bulaklak. Tirik na tirik rin ang araw. Tila hindi dinaanan ng matinding pag-ulan kagabi. Sa kabila niyon ay hindi mainit ang simoy ng hangin. Presko iyon sa pakiramdam. “Saan natin sila hahanapin?” tanong ni Koddie. “Malaki ang isla. Baka magkasalisi tayo.” Napahinto sa paghahawi ng talahib si Sage bago maalala ang pinag-usapan nila. “May dalawang lugar na maaari nilang puntahan kung sakaling magkahiwa-hiwalay tayo. Una, ang talon. Pangalawa, maaaring nasa main base lang sila. Hindi pa natin alam ang ibang pasikot-sikot dito sa isla kaya imposibleng lalayo ang dalawang iyon. Kung sakali namang napalayo sila at napunta sa kabilang bahagi ng isla, ang Main Base ang una nilang pupuntahan. Alam nilang doon ko sila hahanapin,” mahabang paliwanag ni Sage. Bilang pinuno ng kanilang grupo, ang una niyang pinaghirapang alamin ay ang ugali at kung paano mag-isip ang mga kasama. Para sa kanya, ang buhay ng mga ito ang unang dapat isaalang-alang bago sila gumawa ng desisyon. Kargo de konsensya niya ang bawat-isa sa mga kaibigan. Kung may mangyaring hindi maganda, alam niyang ang sarili ang una niyang sisihin. Magpapatuloy na sanang muli sa paglalakad si Sage nang makaranig sila ng kaluskos sa magkakaibang direksyon. Itinaas niya ang kanang kamay para senyasan ang mga kasama na maging mapagmatyag. Sumenyas din siya kung saang parte ng lugar naroon ang mga narinig niyang kaluskos. Ang una ay nasa likurang bahagi ni Koddie sa kaliwa. Ang dalawa ay nasa likuran nilang tatlo. Sa direksyon kung saan sila dumaan kanina. Ang huli’y nasa harapan nila. Hindi niya matukoy kung ilan ang bilang ng mga iyon. Dahil nasa delikado silang sitwasyon ay walang nagtangkang sumugod sa kanila. Kailangan muna nilang magmatyag nang sa gayon ay makasigurado silang magiging ligtas. Tagaktak ang pawis nila na hindi nararamdaman kanina. Namumuo iyon sa pinaghalong init ng paligid at panlalamig ng katawan dahil sa matinding kaba at tensyon. Ganoon na lamang ang gulat nila nang magsilabasan ang asong iyon sa magkakaibang direksyon. Hindi tao kundi aso ang may balak na sumalakay sa kanila. Mali din ang naging bilang niya sapagkat hindi lang lima ang naroon kundi sampu!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD