7. Hunted

1817 Words
7. Hunted   KATULAD NANG mga nakaraang gabi, narinig na naman ni Alluka ang pagtatalo ng kanyang mga magulang. Ngunit ang akusasyon ng kanyang ama ay wala sa lugar parati. Lahat ng mga ibinibintang nito sa kanyang ina ay walang katotohanan. Kailanman ay hindi nagkaroon ng kabit ang mama niya. Kung may kinikita man itong lalaki ay dahil iyon sa kanya. Tinutulungan siya ng mama niyang malaman ang kanyang pagkatao. Ang lalaking pinupuntahan nito ay agent at patuloy na naghahanap ng kanyang pagkakakilanlan. Hindi na lingid sa kaalaman niya na hindi niya tunay na mga magulang ang kasama sa iisang bubong. Ang mama niya ang nagsabi sa kanya ng lahat dahil ayaw nitong naglilihim sa kanya. Nurse ito sa isang pribadong hospital. Ang mama niya ang naka-assign parati na magbantay sa kanya noong comatose siya. Nang magising naman ay wala siyang maalala. Hindi rin alam ng mama niya kung sinong nagbabayad ng hospital bills niya kaya hindi nila alam kung saan magsisimulang maghanap. Naka-disclose ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Bawal iyong ilabas kahit ng hospital. Masyadong makapangyarihan ang taong tumutulong sa kanya kaya wala silang malaman kahit pangalan nito. Nagprisinta ang kanyang mama na kung pwedeng ito na lamang ang mag-aalaga dahil wala namang pamilyang magbabantay sa kanya nang tuluyang gumaling. Laking pasasalamat nito nang pumayag ang hospital. Nang makalabas sa kwartong tinutuluyan ay ganoon na lamang ang gulat niya matapos makitang nakatutok ang kutsilyo sa kanyang mama. Nang subukan niyang makalapit ay mas inilapit pa ng kanyang ama ang patalim sa kanyang mama. Mas humigpit din ang pagkakasakal nito sa leeg ng mama niya. “Pumasok ka sa kwarto!” sigaw ng mama niya. “Ma—” “Sabing pumasok ka sa kwarto!” matigas nitong saad ngunit hindi siya nakinig. “Ibaba mo iyan,” utos niya sa kanyang amain. “Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lagi naming pagtatalo. Dahil sa ‘yo kaya parati kaming nag-aaway!” wala sa sariling saad nito. “High ka na naman ba?” matapang niyang tanong dito. Muling tumawa ang lalaki sa kanya at suminghot. Patunay na totoo ang hinala niya. “Ano naman?” parang nahihibang na sagot nito. “Sabi ko naman kase sa ‘yo, Ma, hiwalayan mo na siya...” nag-aalalang niyang saad sa ina. “Sinasaktan ka lang ng gag*ng iyan!” “Anak...” nagsunod-sunod ang pag-iling ng kanyang ina. Makikita ang takot sa mga mata nito. “Hiwalayan?” nanlalaki ang mga mata ng kanyang amain. Hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. “Ulitin mo iyong sinabi mo!” galit na galit nitong saad at binitiwan ang pagkakahawak sa leeg ng kanyang ina. Siya naman ang pinagbalingan nito ng galit at balak na sugurin. Ngunit bago pa man ito makalapit sa kanya’y naging maagap ang mama niya. Sinubukang pigilan ng mama niya ang paglapit ng lalaki ngunit masyado itong malakas. Itinulak nito ang kanyang mama. Tumama ang ulo nito sa kanto ng lababo. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya matapos makakita ng dugo. Iyon ang unang pagkakataon na may kung anong ala-ala ang sumagi sa kanyang isipan. Iyon din ang dahilan kaya sumakit ang kanyang ulo. May alaala mula sa nakaraan na unti-unting lumilitaw... Napakaraming patay. Tila ang kulay na nakikita niya ay puro pula dahil sa nagkalat na dugo. Nagsunod-sunod din ang pagsabog. Hindi niya man maintindihan ang ala-alang iyon ngunit isa lang ang alam niya, naroon siya at nasasaksihan ang pagkamatay ng maraming tao. Tila nag-ibang tao ang dalaga nang mga sandaling iyon. Ginalaw ni Alluka ang leeg pakaliwa. Ang mata’y puno ng galit. Nang subukan siyang sugurin ng kanyang amain habang hawak ang kutsilyo’y mabilis siyang nakailag. Naging maliksi ang kilos niya na hindi naman akalaing magagawa. Sinubukan siyang sugurin muli ng kanyang amain ngunit sa pagkakataong iyon ay hinuli niya na ang kamay nitong may kutsilyo bago pilipitin ang kamay patalikod. Ganoon na lamang ang pagsigaw nito dahil sa ginawa niyang pagpilipit. Nabitawan nito ang kutsilyong hawak na kumilansing pa sa lapag. Patuloy na nanlaban ito at naghanap ng pwedeng ihampas sa kanya. Dahil wala sa sarili, at hindi nakita ang bagay na iyon ay ganoon na lamang ang pagdaing niya matapos mahampas ng frying pan sa ulo. Ramdam ni Alluka ang pag-ikot ng kanyang mundo. Bumagsak siya sa kabilang bahagi ng kanilang kusina habang sapo ang kanyang ulo. Ngunit hindi doon tumigil ang amain niya. Muli nitong kinuha ang kutsilyong nabitawan kanina. Sumugod itong muli kasabay ng pagsigaw ng kanyang ina. Bago paman nito maitarak ang kutsilyo sa kanya’y nagawa niyang salubungin muli ang kamay ng amain at wala sa sariling naitarak ang kutsilyo sa sikmura nito. “Anak!” muling sigaw ng kanyang ina na naging dahilan para mahimas-masan siya sa ginawa. Unti-unting nawawala ang pagkatuliro niya. Nagiging malinaw ang paligid sa kanya at napansing may nakadagan sa kanya. Ganoon na lamang ang gulat niya matapos makita ang amain na may dugong lumalabas sa bibig. Nanlalaki rin ang mga mata nito at nakatingin sa kanya. Tila hindi ito makapaniwalang nagawa niya iyon. Nang tuluyang makabalik ang kamalayan sa paligid ay ganoon na lamang ang gulat ni Alluka. Nakita niya ang ina na hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. Nagpapabalik-balik ang tingin nito sa kanya at kanyang amain. Dahil doon ay naitulak niya ang amain at natatakot na nakatingin sa walang buhay na katawan nito. Umatras ang dalaga. Tinitigan niya rin ang kamay na nabalot ng dugo. Muli siyang napatingin sa mama niya na unti-unting tumatayo. Kumapit ito sa lababo at malungkot na nakatingin sa kanya. Muling nabaling ang tingin ni Alluka sa amain na wala ng buhay at sa kamay na puno ng dugo. Naging mabilis ang pagtahip ng kanyang dibdib kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha. “Mama.” Umiiyak niyang saad. “Anak...” dali-dali itong tumakbo sa kanyang direksyon at mahigpit siyang niyakap. “Hindi ko sinasadyang mapatay siya, Mama...” humihikbi niyang saad at muling tumingin sa kamay na nabalot ng dugo. “Maniwala kayo. Hindi ko siya pinatay, Ma... hindi ko sinasadya...” Mas humigpit ang pagkakayakap ng kanyang ina sa kanya. “Naniniwala ako. Nakita ko. Hindi mo sinasadya—tahan na.” Hinahaplos nito ang kanyang buhok upang kumalma siya ngunit hindi iyon nakatulong dahil mas lumakas ang paghikbi niya na naging paghagulhol noong huli. “Mama... ma...” tawag niyang muli sa ina. Paulit-ulit iyon at hindi siya tumitigil...   MAS HUMIGPIT ang pagkakayakap ni Alluka. Wala pa ring tigil ang pag-iyak niya. Tinatawag ang ina sa pagbabaka-sakaling sa ganoong paraan ay hindi niya mararamdaman ang takot. “Alluka!” tawag ng kung sino. Hindi iyon boses ng kanyang ina. “Hoy! Gising. Gwapo lang ako pero hindi ako ang mama mo. Kagabi ka pa ha! Hindi na ako natutuwa. Patay na patay ka na sa akin. Masama iyan.” Unti-unting iminulat ni Alluka ang mga mata. Ang luha ay wala pa ring tigil sa pag-agos. Dahan-dahang lumuluwag ang pagkakayakap niya sa bisig ni Sage. Nang tuluyang maimulat ang mga mata ay nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ng binata. Nakakunot na naman ang noo nito ngunit bakas ang matinding pag-aalala. Gamit ang kanang kamay ay sinalat nito ang kanyang noo at leeg. Pinalitan nito ng magandang ngiti ang pagtingin sa kanya. Nawala tuloy ang mata ng binata. Kitang-kita rin ang pantay at maputi nitong ngipin. “Bumaba na ang lagnat mo pero mukhang wala ka pa rin sa Earth,” sabi nito habang seryosong nakatingin sa kanyang mga mata. "Dyosa, balik na." Salamat sa liwanag ng umagang iyon kaya natatanaw niya nang mabuti ang lahat ng anggulo sa mukha ng binata. Bago pa kung saan mapunta ang kanyang isipan ay naitulak niya ito. Mabilis din sa alas-kuwatro ang paglayo niya sa bisig nito. Dahil sa lakas ng pagtulak niya’y tumembwang ang binata. Dahil likas na ang pagiging OA kay Sage ay itinaas pa nito ang dalawang paa at bumaliktad. “Aray ha!” sigaw nito habang hawak ang tagiliran. “Ang galing mo namang magpasalamat. You’re welcome po! Walang anuman. Napakarupok ko kaya sinasamantala mo ako!” sarkastiko nitong saad. Hindi niya pinansin ang binata at ibinaling ang tingin sa rumaragasang tubig na nanggagaling sa talon. Sa bahaging din iyon nanggagaling ang liwanag kaya nakakakita sila sa loob ng kweba. “You’re welcome talaga!” galit muling singhal ng binata kaya nabaling ang tingin niya rito."Nagmahal lang naman ang gwapo pero bakit kailangang masaktan ako? Ang unfair ng mundo!" “What?” galit niya ring tanong dito. "What are you talking about? You're crazy." “Nakikita mo ang eyebags na ito?” Itinuro ng binata ang ilalim ng mata. “Isang kilo na iyan at kasalanan mo iyan! Pero dahil marupok ako kaya sarili ko na lang ang sisihin ko. Girlfriend! Thank you ha?” Ngumisi si Alluka bago magsalita, “you’re welcome,” puno ng sarkastiko niyang saad upang maitago ang pagkapahiya. Nag-aalala rin siya. Baka kung ano ang nasasabi niya sa binata habang wala pang malay. Gusto niya itong tanungin kung nasaan sila ngunit dahil nakakabawas iyon ng kaangasan kaya hindi niya na ginawa.Sabihan pa siyang tsismosa. “Nasaan na kaya si Blaze?” tanong ni Sage sa kawalan at tumayo mula sa pagkakasalmpak sa lapag. Ginalaw-galaw ng binata ang dalawang braso na naging dahilan para pagkunutan ng noo si Alluka. “Don’t tell me...” mahina niyang bulong upang hindi marinig ng binata. Kagabi niya pa ako binabantayan? Hindi siya natulog at yakap ako? Oh, God. What I have done? Muli niyang ibinaling ang tingin kay Sage. Masasabi niyang iyon ang pinakamaling desisyong nagawa niya sa buong buhay dahil nakita niyang hubad-baro ang binata. Nakasuot lang ito ng pantalon at nakatalikod na nakapamaywang ngayon. Nagkaroon siya full access sa malapad at matipuno nitong likuran. Ngayon, alam niya na kung bakit komportable siya at hindi nangalay... Napalunok siya. Hindi niya magugustuhan kung haharap ito. Titig na titig siya rito habang nagtataka. Iniisip niya pa rin kung anong nagawa at nasabi niya kagabi sa binata. “Huwag mo akong titigan, baka ma-fall ka,” saad ng binata habang dahang-dahang humarap sa kanya. Naroon ang mapang-akit nitong tingin at hindi niya nagugustuhan. Naglakad ito papalapit sa kanyang direksyon kaya ganoon na lamang pagpigil niya ng hininga. Hindi nito inaalis ang mapang-akit na tingin kaya mas lalong hindi niya naramdaman ang paghinga... Hanggang sa tuluyan itong makalapit... Naroon ang tila daan-daang kabayo sa kanyang dibdib. Parang nagtatakbuhan ang mga iyon kaya hinahabol niya ang paghinga. Tumitig ang binata sa kanyang mga mata at dahan-dahang may kinuha sa kanyang likuran. Doon. Pasamantalang huminto ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya nararamdaman ang paghinga... Nang makuha iyon ay tumayo kaagad si Sage at isinuot ang damit. Patay malisya ito sa nagawang pagkakasala sa kanya! Doon niya lamang naramdaman ang paghinga pagkatapos ng tila mahabang sandali ng kanyang buhay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD