42. Request "YOU MESSED with my girl; I'll messed with you ten-fold..." saad ng binata na naging dahilan para tumayo ang balahibo ni Alluka. Natatakot siya. Hindi para sa sarili kung hindi para sa mga taong may ginawang masama sa kanya. Alam niya sa sariling hindi bubuhayin ni Sage ang mga ito kahit ano pang pakiusap na gawin. Mas tumindi ang pagpatak ng luha niya sa mga mata habang yakap ang sarili. Kung hindi dumating ang binata hindi niya na alam kung ano ng masamang nangyari sa kanya ngayon. Sinubukan siyang hawakan ng mga kalaban at galawin kanina. Dahil doon, muling nanumbalik sa kanyang alaala ang mga bangungot na pilit ibinabaon sa limot. Nakalimutan niya rin kung paano lumaban dahil tuliro ang kanyang utak. Nagpadala siya sa takot kaya naman nawalan ng silbe ang lahat ng iti

