43. Her SANAY SIYANG protektahan ang mga tao na malapit sa kanyang paligid. Lalo na iyong may mga nakatataas na tungkulin sa kanilang clan dahil magsimula bata siya ay iyon na ang ipinamulat sa kanya ng papa niya. Ito rin ang dahilan kung bakit siya nawalan ng alaala. Dahil kailangan niyang protektahan ang isang namumuno sa Fortress kaya nalagay siya sa alanganin at nawalan ng memorya. Ngunit ito ang unang beses na kinabahan nang matindi si Alluka. Pakiramdam niya anumang oras ay bubulaga sa kanilang panganib. Hindi niya saulo ang lugar kung ikukumpara sa Fortress na kinalakhan niya. Hindi niya ito teritoryo kaya kailangan niya ng ibayong pag-iingat. Wala pa ring malay ang binata habang akay-akay niya. Dala ng adrenaline rush nadadala niya ito nang walang kahirap-hirap. Pakiramdam niy

