44. Sick NANG MAILAPAG ni Alluka si Sage ay muli niyang sinipat ang noo ng binata. Ganoon na lamang ang pag-aalala niya nang mapansing mainit na ito habang ang katawan ay malamig. Nakahinga nga siya nang maluwag sa isiping nakarating na sila sa talon ngunit heto ngayon, isang problema na naman ang bumungad sa kanya. Napakataas ng lagnat ng binata at hindi niya alam ang gagawin. Nasapo ni Alluka ang noo habang pabalik-balik ang paglalakad at nag-iisip. Dali-dali niyang kinuha ang panyo na nasa bulsa nang maalala ang ginawa ni Sage noong magkasakit siya. Binasa niya iyon ng tubig sa talon at pinigaan bago balikan ang binata. Inilagay niya iyon sa noo nito habang baon ang matinding pag-aalala. Hindi niya alam kung paano ang mag-alaga ng may sakit. Sanay siya kase na mag-isa lang at sar

