45. Sisters “WHERE’S VIOLET?” tanong niya kay Rex habang pinagmamasdan ang ayos ng panganay na Dela Vega. Sa suot at itsura ni Rex hindi pagkakamalan na isa ito sa mga delikadong tao na pagsisihan ng kahit na sinong makabangga. Nakasuot si Rex ng eyeglasses. May brown na highlights ang buhok nito na nakakulot ang sa ibaba. Halata na ito ang babad sa computer nang magkaroon ng ibang trabaho si Pink. Naka-lab gown din itong puti. Sa gilid ng bulsa ng lab gown nito ay naroon ang tatak ng Bilancia o isang timbangan na may simbolong kapayapaan at hustisya. “Cleaning,” saad ni Rex na hindi inaalis ang tingin sa monitor. Nagta-type din ito sa computer kaya nabaling ang tingin niya doon. Nakita niya doon si Violet na nagtuturok ng kung ano sa mga miyembro ng iba’t ibang platoon. Kasama nit

