46. Falling “WHAT WILL you do now? I’m angry,” paulit-ulit na nag-echo sa taynga ng dalaga ang tanong na iyon ni Sage. Ano nga bang ginagawa para mapaamo ang lalaking galit? Tanong niya din sa sarili ngunit kahit anong isip niya ay wala siyang makitang sagot. Ilang beses na kumurap ang mata ng dalaga habang nakatangin sa seryosong binata. Muli’t muli niyang hinahabol ang paghinga nang mga sandaling iyon. Napakabilis din ng pag-alon ng kanyang dibdib dahil sa matinding kaba. Hindi niya na alam ang gagawin. Kinuha ni Sage ang kamay niyang nakalagay sa dibdib nito. Pinipigilan niya kase ang paglapit ng binata kanina. Ginagawa niya iyon kahit alam niya sariling wala namang silbe. Matatalo at matatalo pa rin siya pang-aakit nito. Ganoon siya karupok. Parang natutunaw siya at kusang bumi

