46.2 Falling HINDI NATULOG si Sage nang gabing iyon. Nakontento siyang pagmasdan lang ang maamong mukha ng dalaga sa magdamag. Hindi niya kase nakikita ang ganoong tanawin parati. Para kaseng suntok sa buwan lamang na makitang ganito kaamo ang dalaga. Tila miyembro din ng Huntress si Alluka at kayang lapain ang mga tao sa paligid nito kapag gising. Inaamin niya, kahit siya tumitiklop kapag ito na ang nagalit. Ngunit wala namang problema iyon sa kanya. Gano’n na kase ang dalaga kahit dati pa kaya hindi niya pwedeng pilitin na magbago ito kung para lang naman sa kapakanan niya at sa iba. Kung magbabago man ito, kusang loob nitong gagawin iyon ng walang nagdidikta sa paligid niya. Ingat na ingat ang naging pagbibihis niya dito kanina. Nag-aalala kase siyang magising ang dalaga. Kailangan

