47. Barbarian TAHIMIK ANG naging pagmamatyag ni Sage sa kadiliman. Hindi siya gumagalaw mula sa pwesto kanina. Kailangan niyang malaman ang nangyayari sa mga Platoon bago maganap ang paglusob ng mga ito sa kanila. Ngunit bago mangyari iyon, maniningil muna siya ng mga taong nagkautang sa kanyang nobya. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang mukha ng mga lumapastangan kay Alluka. Hanggang sa pagtulog, nasa isipan niya pa rin ang nangyari sa kasintahan. Alam niyang malakas ang dalaga. Hindi ito ang uri ng tao na tumitiklop nang basta sa isang problema. Ngunit iba ang dalaga nang araw na iyon. Alam niya sa sariling na-trigger ang memoryang parte ng nakaraan nito na pilit kinakalimutan. Hindi siya dapat nakikialam sa problema nito, ngunit magsimula nang sabihin nito na opisyal na silang dala

