73. Clue ISA LAMANG ang nasa utak ni Pink nang mga sandaling iyon, kailangan niyang matulungan ang mga nasa ibaba sa kahit na anong paraan na maiisip niya. Wala siyang mapagpipilian kung hindi kuhanin ang atensyon ng mga ito upang hindi makita ang mga bombang inilagay ni Diezel. Magagalit ang kapatid niya sa kanya kapag hindi niya natulungan ang mahahalagang tao para dito. Mahigpit ang hawak niya sa M16 rifle o armalite kung tawagin ng iba. Kapapalit niya lamang ng panibagong set ng magazine. Hindi pa nakakapagpahinga ang baril niya ngunit muli niya na namang ginamit iyon upang iligtas ang isang Bilancia na hindi napansin ang kalabang nasa likuran nito. Muli niyang hinabol si Zia nang masipatan ang babae na napakabilis na sa pagkaripas ng takbo. Mukhang balak pang takasan sila kasama an

