72. Breaking SANAY NANG MAKAKITA si Goldee ng dugo dahil sa propesyong kanyang kinuha. Ngunit hindi ang ganitong uri ng tanawin ang kaya niyang sikmurain. Ang mga nagkalat na dugo, katawang nawalan ng buhay ay katulad din nila. Pare-pareho nilang gustong makita muli ang labas ng isla at mabalikan ang naiwang buhay. Pero dahil sa pagiging sakim ni Helga ay hindi na iyon magagawa ng mga taong nasawi ngayon. Hindi na mababalikan ng mga ito ang pamilya na naging rason upang lumaban. Hindi na rin makikita ng mga naulila ang mahal sa buhay na nasawi. Sa totoo lang, hindi na matagalan ni Goldee ang nakikita ngunit para sa mga kasama, pilit niyang tinitiis ang lahat. Ipinangako niya kase sa sarili na hindi na muling magiging problema at pabigat sa mga ito. Nawala siya sa matinding pag-iisip

