10. Complete

2071 Words

10. Complete   NANG MGA sandaling iyon ay nakanganga lamang si Sage. Ganoon na lamang kase ang gulat nilang magkakaibigan nang biglang mag-angilan ang mga aso sa kanilang direksyon at magsakmalan. Nakita niya pa kung paano tumalon ang isang asong gubat sa puno atsaka dinamba ang kalaban nitong aso. Katulad ng mga tao, tila matindi ang galit ng mga ito sa isa’t isa para magkaroon ng ganoon katinding pisikilan. Kitang-kita niya pa kung paano kalmutin ng isang asong gubat ang katunggali nito. Ang mga kukong matutulis ay lumilitaw sa tuwing babalikan nito ang kalabang aso. Sa pangalawang pagkakataon, tumalong muli ang isang asong-gubat paakyat sa puno. Nang makarating ito sa itaas ay dinamba nitong muli ang katunggali. “Ano ‘yon?” gulat na tanong ni Koddie. “Aso ba iyan o wakwak? T*ngina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD