11. Arrow "GOOD MORNING, gangsters! Milka here, your beautiful announcer," humawak ito sa noo na animo'y may nakalimutan. "Don't tell me you don't know where the hell place are you right now? The time. Oh? I don't know too! Ha-ha but for the safety of us, everybody, start zipping your mouth. Shh..." umakto pa ito na parang nagpapatahimik sa lahat. Nakatingala sila dahil halos kasing taas ng baywang nila ang entablado. Ang baba naman niyon ay may malalaking speaker. Sa likuran ng host ay may malapad at mataas na screen na nagiging dahilan upang matanaw nila hanggang dulo ang nangyayari sa itaas. Ilang beses na umiling si Alluka. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda mayamaya lamang. Masyado ng nakakadala ang Main Base. Wala na siyang tiwala sa lugar na ito. Pinagmasdan niya

