12. Home SI PINK ANG siyang nag-assist sa grupo nila. Napansin naman ni Sage ang mariing pagkakatingin nito sa kanya kaya naman tumingin na lamang siya sa ibang direksyon. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan sa lugar na maraming matang nakatingin sa kanila ang kapatid. Kailangan niyang mag-ingat. Maaaring alam na rin ng mga ate niya kung sino siya, ngunit katulad niya, naghihintay din siguro ito ng magandang pagkakataon. "Congrats!" nakangiting bati ni Pink sa kanila. "Ang tinik mo, Sage!" Tudyo sa kanya ni Xenus. “G*go.” Umiiling niyang saad sa kaibigan matapos ipakita ang gitnang daliri. Paano kaya kung sabihin niya sa mga ito na kapatid niya si Pink? Ano kayang magiging reaksyon ng mga ito? "Palay na ang lumalapit sa manok," hindi pa rin papapigil na saad ni Xenus. "Wha

