13. Angry MADALING-ARAW na ngunit hindi pa rin makatulog si Alluka. Nararamdaman niya pa rin ang matinding kaba. Ganito siya sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan. Pakiramdam niya'y palaging may masamang mangyayari sa mga taong nakapaligid sa kanya. Iniisip niya rin kung paano sasabihin sa magkakaibigan kung sino nga ba siya. Baka walang maniwala sa oras na malamang galing siya sa respetadong pamilya. Isa pa, iniisip niya ang magiging tingin ng mga ito sa oras na malamang galing siya sa kalungan at nakapatay siya. Kailanman, hindi niya inisip ang ibang tao. Lalong na ang magiging tingin ng mga ito sa kanya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba lalo na’t siya ang nakakakilala sa sarili niya. Ngunit ngayong naramdaman niya na naman ang pakiramdam na may taong nag-aalala at aant

