14. Slowly

1152 Words

14. Slowly   NAWALAN NG MALAY si Alluka nang matapos ang pag-uusap nila nang gabing iyon. Mabuti na lamang at mabilis niyang nasalo ang dalaga. Napakarami pa namang basag na base sa pababagsakan nito kung sakali. Nag-aalala siya. Parati itong nawawalan ng malay sa hindi malamang dahilan. Nangyayari iyon sa tuwing galing ito sa pakikipaglaban. Mahigpit niyang ibinilin kay Goldee na bantayan ang dalaga at alamin ang kundisyon nang makitang tulog pa rin matapos ang nakaraang araw. “Kumusta siya, Goldee?” tanong niya rito. Kapapalit lang ni Goldee ng IV kay Alluka. Kailangan iyon ng katawan kapag nagkukulang sa fluid ang isang tao. “Dehydrated siya. Halata iyon sa kulay niya at labi na tuyo. Kulang sa nutrients ang katawan niya, mababa rin ang dugo. Halatang wala siyang tulog parati...

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD