51. Waiting ISANG LINGGO na ang nakakalipas magsimula nang madala ang Kuya Sage niya at ang mga Naraja sa Dela Vega. Ang mga ito lamang ang makakatulong sa mga kaibigan niya. Tanging first aid lang kase ang maibibigay niya sa mga ito. Hindi pa ganoon kalaki ang kaalaman ni Goldee sa medisina kung ikukumpara kay Violet Dela Vega. Masyadong maingat ang pamilyang iyon pagdating sa lahat ng taong konektado sa Kuya Sage niya. Hindi siya kaagad pinauwi ng mga Dela Vega. Napakarami munang pagsusuri ang ginawa sa kanya nang magising siya. Sinigurado muna ng magkakapatid na hindi naapektuhan ng lason ang katawan niya. Mas maganda na raw na malaman ng maaga nang sa gayon ay maagapan kaagad ang problema. Hindi siya magpapasalamat sa ginawa ni Celine para sa kanya. Kahit iniligtas siya nito, hi

