52. Brainstorming NAPAKA-KALMADO ni Alluka nang magising. Hindi pa rin siya tumatayo mula sa kinahihigaan. Nakatingin pa rin siya sa kambal na Dela Vega. Tila may staring contest sa kanilang tatlo nang mga sandaling iyon. Walang nagsasalita. Tila nakikiramdam pa rin ang dalawa. Napapaisip siya ngayon kung anong tumatakbo sa isipan ng mga ito. Nararamdaman niya kase ang labis na pag-aalala ng kambal habang nakatingin sa kapatid na wala pa ring malay. Wala rin sa sariling napatingin siya sa kapatid na kagigising lang din. Bigla siyang napaisip, ano kaya ang naramdaman nito nang mga panahong hindi masabi sa kanya ang totoo? Parang napakahirap siguro niyon dahil wala na siyang ibang kilala na matatapang at malalakas ang loob bukod sa Dela Vega. Ang pagtatapat sa kapatid nito ay isang ma

