Her POV Nagising ako na nasa kwarto na namin ni Lenard. Naalala ko ang nangyari kagabi. Pinilit kong bumangon para makita siya. Biglang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok ang mommy ni Lenard at dali daling lumapit sa akin ng makitang gising na ako. "Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito. "Ayos lang po...si Blue? Tanong ko. "Nasa opisina at kausap ng daddy niya" sabi nito. "May masakit ba sayo anak, sabihin mo sa akin"tanong uli nito. "Wala naman po, ayos lang ako" sabi ko uli. Natahimik ito at mataman akong tinitigan. "Bakit po?" Naiilang kong tanong. Ngumiti ito. "Alam mo ba kung bakit kandidato si Lenard na maging hari?" Tanong niyo. Umiling ako. ".....dahil sa kanyang lobo na si Blue", kwento nito. Mukhang magkwekwento ang mommy ni Lenard. "Anu pon

