Her POV Isang buwan na ang nakakalipas ng mangyari ang pagdalaw ni Prince Aaron at ang pagwawala ni Blue. Nabalitaan ng hari ang nangyari, pinatawag si Lenard sa palasyo kaya umalis siya isang linggo matapos ang pangyayaring yun. At ngayon nga ay isang buwan na at di pa bumabalik si Lenard. Nag-aalala na ako pero tuwing tumatawag siya ay lagi niyang sinasabi na ok lang siya. Hindi man lang kami nakapag-usap ni Lenard. Ang natatandaan ko lang na bago siya umalis, he make love to me first. At paggising ko, wala na siya. Pinaliwanag lang nila sa akin na pinatawag siya ng hari para magpaliwanag. At ngayon nga ay isang buwan na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya nakakauwi. Palagi naman siyang tumatawag at sinasabing ok lang siya. Pero nag-aalala pa rin ako. Baka kasi nabrainwash na siya

