Her POV "Bakla sorry na..." Lambing ni Adie. Matalim ko siyang tiningnan... All this time, may lihim pala siyang itinatago. Katulad din pala siya ni lenard. At di lang katulad kundi kasama pala siya sa pack ni lenard. Napabuga ako ng hangin para pakawalan ang namumuong inis sa dibdib. "So wala ka pala talagang balak sabihin sa akin ang lahat. Akala ko ba bff mo ko at magkasama tayo hanggang pagtanda" sumbat ko. Nag-pout ito. Tapos kinagat kagat ang kumot namin. Nakaupo kasi kami sa kama at kanina ay nilalamukos niya ang kumot pero ngayon ay kinakagat kagat na niya ito. Ganito ang ginagawa niya kapag guilty siya at may kasalanan. "E kasi naman.....panu ko ba sasabihin sayo na wolf ako at di ako tao. Anghirap naman kasi nun" paliwanag nito. Sabagay naiintindihan ko siya. Medyo masel

