Her POV Paggising ko ay tumingin ako sa kanang bahagi ng kama na kinahihigaan ko. Wala na si lenard. Napabuntong hininga ako at dahan dahang tumayo. Ansakit ng katawan ko. Pati braso at binti ko ay sobrang masakit. Kailangan ko atang maglagay ng salonpas kasi para akong magkakasakit. Napasimangot ako. Bwisit na lalaki yun, matapos niya akong pagsawaan ng paulit ulit kagabi lalayasan niya lang ako. Di man lang ako hinintay magising. Ang ineexpect ko pa naman paggising ko, makikita ko siyang nakatitig sa akin. At masuyo akong yayakapin at hahalikan. Naiinis akong lumakad papuntang banyo para maligo. Pagdating kong banyo, humarap ako sa salamin at nagimbal ako, andaming pasa ng braso ko at may ilang bahagi sa katawan ko ang namumula at unti unti narin nagkukulay ube. Mukhang ilang araw

