Her POV Nakatiim na nakatitig sa akin si lenard. Hindi.........! Hindi pala si lenard to kundi yung wolf niya. Marahan niyang hinahagod ng kanyang mga mata ang buo kong katawan. Pero ang weird, imbes na mailang ako parang nadagdagan pa ang init na nararamdaman ko. Napalunok ako ng maraming beses. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Gusto kong lumapit at hawakan siya. Natulos ako sa aking kinatatayuan at sobrang kinikilabutan ako. Nagtataasan ang balahibo ko sa sobrang tindi ng init ng katawan ko. Titig pa lang niya, nakakatunaw! Nakita kong ngumisi siya. Lalong na-emphasized yung perpektong korte ng mukha niya. Napalunok uli ako para matanggal ang panunuyo ng lalamunan ko. Marahan niyang sinara ang pintuan ng hindi inaalis ang mata niya sa akin. "I smell your arousal mate...i

