Zemira's POV
Biglang tumaas ang kilay ko sa aking narinig.
"Kelan pa?"mataray na mataray na tanong ko habang sobrang taas na ng kilay ko.
"Since we first met"seryosong sabi ni Jacob.Nakayuko lamang si Leila pero hindi nakatakas sa akin ang palihim na ngiti nito habang naka kagat sa labi nito.
Kilig ang gaga!
Tumaas uli ang kilay ko ng higitin palapit ni Jacob si Leila dahilan para magdikit sila."Gusto ko syang ligawan"tumaas ang kilay ko."Hindi pa sya pumapayag na ligawan ko sya dahil gusto nyang magpaalam muna ako sayo"seryosong sabi nya.Tinignan ko si Leila pero nag-iwas lamang ito ng tingin at bahagyang namula.
Napangiwi ako.
Guys,inggit ako!!!
"Let me court her"seryosong sabi nito. Nakipagtitigan muna ako sa kanya bago sya ang unang umiwas ng tingin.
Tsaka ko naalala yung ginawa nya sakin nung unang pasok ko palang sa section nila.Hinila nya yung bangko ko dahilan para bumagsak ako sa sahig at sumakit ang pwet ko nun.
"Ayoko nga"sabi ko sabay ngiti sa kanya ng nakakaloko.Bigla nya akong nilingon ng mabilis habang nakakunot ang noo.
"But why?"kunot noong sabi nito.
"Naalala mo ba yung unang araw na pumasok ako sa section nyo?Hinila mo kaya yung bangko ko na dapat uupuan. Alam mo bang ang sakit sa pwet non"
Sabi ko dahilan para magtawanan yung mga lalaking nangungulit sakin kanina.
Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin.
"Tawa-tawa nyo dyan?"inis na tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay. Bigla naman nilang tinakpan ang mga bibig nila habang iiling-iling.Nabaling ang tingin ko doon sa lalaking may-ari nung cute na tuta ng maramdaman ko ang tingin nito sakin.
Tinaasan nya ako ng kilay."Ano?"inis kong tanong dahilan para ngumiwi ito habang naiiling.Inirapan ko lang ito bago ibalik sa dalawa yung paningin ko.
"Let me court her"pag-uulit nito.Tumaas ang kilay ko.
"Gusto mo syang ligawan?"tanong ko dahilan para tumango ito."Pwet mo!" Sabi ko bago sila talikudan.Maglalakad na sana ako ng maapakan ko ang sintas ng sapatos ko dahilan para bumagsak ako.Pero ang mas ikinagulat ko pa ay may brasong pumulupot sa bewang ko pero sabay rin kaming natumba dahilan para pumaibabaw ako sa kanya.
Biglang nanlaki ang aking mata ko ng makita ko kung sino ang lalaking ito. Yung lalaking may ari nung cute na tuta.
Agad na naglapitan sa amin ang ibang tao maging si Iseah na ngiting-ngiting habang nakatutok sa amin ang camera,si Liam na nakangisi,si Mingyu na nang-aasar at ang nakabusangot na pagmumukha ni Ethan habang nagtatype sa cellphone nya.
Nagkatitigan pa kami nung lalaking may ari nung cute ka tuta,ilang minuto rin ang itinagal non bago magsalita si Iseah.
"Magtititigan nalang ba kayo dyan?Baka naman gustong nyo ng tumayo"nang-aasar ang boses.
Biglang nalang na nanlaki ang aking mata ng marealize ko kung ano nga pala ang posisyon namin ngayon.Dali-dali akong bumangon at ganon din sya.
"s**t!"sabi ko bago maglakad patungo sa mesa namin.Pagka-upo ko ay agad akong dumukdok."Nakakainis!Nakakainis! Nakakainis!"bulong ko habang may inis sa boses.
Naramdaman ko naman na papalapit na sa akin sila Iseah kaya pumikit na ako.
"Oy!Ano yung titigan nayorn?"tanong nya bago umupo sa harapan ko.Hindi ako sumagot."Oy!--lah!Nakadagan lang hindi na namansin"sabi nito sabay tawa.Nag- angat ako ng ulo at sinamaan ito ng tingin.
"Manahimik ka nga"inis kong sabi na lalo nyang ikinahalakhak.
"Namumula yung mukha mo"sabi nanaman nito sabay hagalpak ng tawa. Napairap nalang ako ng wala sa oras dahil sa kaepalan nya.
Tumaas nanaman ang kilay ng umupo si Jacob at Leila sa tabi nila Mingyu.Nilapag nila ang tray bago tumingin sakin.
"Pashare"sabi ni Leila.Tumango lamang ako.
Nangunot ang noo ko ng marealize kung anong nangyayari!
Gago!Bakit Out of Place ako dito!!
Salubong na salubong ang kilay ko habang nakatingin sa tatlong couple na ngayon ay naghaharutan nasa harapan ko.
Nakatingin lang ako sa kanila ng may pandidiri.
Nakakadiri naman silang panoorin!!!
Napangiwi nalang ako ng magkilitian si Liam at Iseah.Magyakapan si Mingyu at Ethan at magsubuan si Leila at Jacob.
Putangna!Out of Place nga ako dito!!
"Baby...."pagtawag ni Liam kay Iseah dahilan para mapangiwi ako.
Tangenang tawagan yan!!Kabasag ng ear drums eh!!
"Yes....baby?"
"Sementeryo kaba?"napangiwi ako sa tanong ni Liam.
Kahit nagtataka ay sumagot si Iseah"Bakit
,baby?"
"Kasi kapag namatay ka,sakin bagsak ng katawan mo"nakangising sabi nito sabay kindat kay Iseah with matching kagat labi pa.
"Pfftt---BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Hagalpak kong tawa habang nakatingala sa kisame.Pulang-pula kasi yung mukha ni Iseah tapos ang panget pa ng banat ni Liam.
Lahat naman sila ay napatingin sa akin kaya naman tinakpan ko ang bibig ko para magpigil ng tawaa.
"Sorry,natawa lang"natatawang sabi ko.
"Mingyu babe ahihihihihi"kinikilig na pagtawag ni Ethan kay Mingyu na ikina ngiwi ko.
"Yes?"
"May kamukha kang singer ahihihihihi"
Nangunot ang noo ni Mingyu bago bumaling kay Ethan.
"Huh?Ako?Sino?"
"Yung Dion ahihihihihi"nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ethan.Nangunot rin ang noo ni Mingyu.
Celine Dion?
"Dion?"patanong na tanong nya.Tumango naman si Ethan bago suklayin ang buhok gamit ang kamay nito.
Ngumiti ito kay Mingyu."Dionly one for me ahihihihihihi"kinilig na banat nito napatulala naman si Mingyu bago mamula.
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"
Hagalpak kong tawa with matching papalo pala pa sa mesa.Taka naman na tumingin sa akin ang iba kaya nagtakip ako ng bibig para magpigil ng tawa.
Tangenang mga banat yan!!!
Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin ng may pagtataka kaya tumigil na ako sa pagtawa.
Ang cheezyyy!!!
Naiiling nalang sila sabay baling sa kani- kanilang mga ginagawa.Sorr naman!!
"Leila...."pagtawag ni Jacob.
"Yes?"nakangiting tanong ni Leila bago sumubo ng spaghetti.
*TSUP
Bigla nalang hinalikan ni Jacob si Leila sa pisngi na mabilis nitong ikinapula.
"Yuck!Yuck!Yuck!My virgin eye!"react ko bago takpan ang aking mata."Yuck! Yuck!Ewww!My gosh!"dagdag ko pa habang diri-diring.
Narinig ko naman ang hagalpak na tawa nina Iseah at Mingyu.
"Tang'na naman kasi eh!Bakit kasi bigla biglang hahalik ng walang pasabi!Yung mata mo my gosh!"sabi ko habang naka takip parin ang aking mata.
Lalo namang lumakas ang kanilang tawanan.
"Zaina nyo!Bitter parin!"sigaw ni Mingyu,Leila at Iseah sabay hagalpak ng tawa dahilan para mapatingin sa amin ang ibang kumakain.
Sinamaan ko sila ng tingin.
"Pake nyo?"inis kong sabi dahilan para lalo silang magtawanan.
"The worst feeling is ma-OP ka with your own friends kaya sasamahan na kita"sabay-sabay kaming napatingin sa aking likuran ng boses kaming narinig.
Bigla nalang na nangunot ang aking noo ng makita ko yung lalaking may-ari nung cute na tuta na nakatayo sa aking likudan habang may hawak-hawak na tray.
Napataas naman ang kilay ko ng humila ito ng bangko sa tabi ko at doon umupo. Inilapag na din nya ang tray sa mesa at nagsimula na itong kumain.
Tumigil ito sa pagkain at inosenteng nag- angat ng tingin sa amin."What's wrong?"
Inosenteng tanong nito.Lahat kasi kami ay nakatitig sa kanya at walang nagsasalita.
Bumaling ito sa akin."What happend?Is there's something wrong?"tanong nito sa akin dahilan para tumaas ang kilay ko.
"Anong ginagawa mo dito?Ha?"taas na taas ang kilay na tanong ko dahilan para pumangalumbaba ito at tinitigan ako dahilan para mailang ako.
Bwisit na ito!!
"Like what i said,sasamahan kita dito dahil kawawa ka naman.Look at your friend's"sabi nya bago binalingan ng tingin ang aking mga kasama bago muling ibalik ang tingin sa akin."They all have partner,except you"sumama ang tingin ko sa kanya dahil sa pang-iinsulto nya sa akin.
E ano naman kung wala ako?
"Nang-iinsulto kaba?"masungit kong tanong habang nakataas ang isa kong kilay.Ngumiwi naman ito bago sumagot.
"I'm not.I'm telling the fact"ngiwing sagot nito.
"Fact,Fact!Fact mo mukha mo!Fact you!
Gago!"sabi ko bago ito irapan.Narinig ko ang tawanan ng mga kasama nito dahilan para lingunin ko ito at samaan ng tingin.
"Anong tinatawa-tawa nyo dyan?"taas kilay kong tanong.Agad naman silang umiwas ng tingin pero natatawa parin.
Bumaling uli ako don sa lalaki."Ikaw. Umalis kana dito bago pa magdilim ang paningin ko at masapak kita"sabi ko bago irapan.Narinig ko ang mahinang pagtawa nina Iseah kaya naman taas kilay ko silang tinignan pero sabay-sabay din silang nag-iwas ng tingin.
"You're cute when you get mad" salubong ang kilay ko ng nilingon ko si Mr. I don't know his name.Nakapangalumbaba parin ito habang nakatingin sa akin.
"Excuse me?Alam kong cute ako kaya manahimik kang epal ka"sabi ko bago ito irapan dahilan para marinig ko ang pagtawa nila Iseah na lalo kong ikinainis.
Wala ng nagsalita pa sa amin hanggang si Ethan na ang bumasag katahimikan."Guys
dahil nabobored na ako,may naisip ako"
Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya habang nakataas ang kilay.
"May isip ka pala,BWAHAHAHAHAHA!"
Halakhak ni Iseah dahilan para mapangiwi ang iba sa amin.Agad naman akong nagsalita.
"May isip naman talaga yan,matalino pa nga sayo yan"pagtatanggol ko kay Ethan dahilan para matigilan si Iseah at gulat na tumingin kay Ethan na ngayon ay naka ngisi na sa kanya.
"So ayun na nga,bago ko makalimutan.
Tutal lahat naman ng Section G ay nanonood sa atin ngayon,tatanungin ko sila about kay Zaina.Tatawagan natin sila"
"Bakit ako?"turo ko sa aking sarili.Napa ngiti naman sya.
"Dahil yun ang gusto ni Spade"naka ngising sabi nito.Nangunot ang noo ko.
"Bakit si Spade?"
Nagkibit balikat ito."Wala lang.Feeling ko lang na gusto ni Spade na ikaw ang topic"napangiwi ako.
Favorite topic,huh!
Hindi na ako sumagot ng magscroll-scroll na si Ethan sa cellphone nya."Ito,online si Lucas"ngiting-ngiting sabi nito."Wait, Chat natin"sabi nya dahilan para matawa ako.
Kinareer ang pagiging vlogger!!
"Tawagan natin"sabi ni Ethan habang taas baba ang kilay na nakatingin sa akin.
Nakakaisang ring palang ito na agad naman na sinagot ni Lucas.
Halata ngang nanonood sila.
Agad inilapit ni Ethan ang sarili sa may camera."Hello,Lucas"
"[Hello]"
"Nanonood kaba ng live ngayon?"tanong ni Ethan punggok.
"[Yes,i'm with our friends right now, In Spade house]"
"Lahat kayo nandyan maliban saming tatlo?"tanong nito bago balingan ang dalawa pang kaibigan.
"[Yeah]"
"Anong masasabi mo kay Zaina?"naka ngising tanong nito habang nakatingin sa akin.
Nakarinig naman ako ng hiyawan mula sa kabilang linya."[She's. We're all laughing here because of Zaina's cuteness when she get mad]"natatawang sabi nito dahilan para makarinig kami ng tawanan sa kabilang linya.
Magkakasama nga sila.....
Tinignan naman nila ako ng may nanunuksong tingin habang salubong naman ang kilay ni Mr.I don't know.
"Lucas,alam kong cute ako,wag mo ng ipaalala dahil nagsasawa na ang tenga"
Nakangiti kong sabi.Nagtawanan naman yung nasa kabilang linya.
"Isang cellphone nalang ang gamitin nyo
.Lucas,papasa nga ng cellphone kay Rocky"
"[Hello,Zaina!Wazup,madlang people]"
Napangiti nalang ako ng marinig ang energetic na boses ni Rocky.
Muling nagtawanan ang nasa kabilang linya dahilan para lalong lumaki ang ngiti ko.
"Anong masasabi mo kay Zaina?"tanong nito dahilan para maghiyawan ang nasa kabilang linya.
"[Zaina,beke nemen.Crush back]" napa ngiwi ako.
"Di ako marunong ma-crush back e"