42

1872 Words
Zemira's POV Napangiwi ako ng biglang patayin ni Rocky yung tawag dahilan para tumawa si Ethan at Liam ng malakas. "Sira ulo,pinatayan ako"natatawang sabi ni Ethan habang tumatawag uli kay Lucas. Agad naman itong sinagot ni Lucas."Yo! Lucas!" "[Nag walk-out si Rocky dahil hindi daw sya kinrush back ni Zaina]" ani nito habang natatawa.Napailing nalang ako ng marinig ko nanaman silang nagtawanan. Pinagtawanan pa nga!! Tinignan ako ni Ethan habang naka ngisi. "Lagot ka,pinaiyak mo si Rocky" nananakot ang boses nito dahilan para mapangiwi ako. "Ang sabi nag-walk out daw hindi umiyak"naiiling na sabi ko.Ngumiwi naman sya. "Oyy!Lucas!Bigay mona kay David yung cellphone mo" "[Ethan..]"boses na iyon ni David.Laging seryoso. "Hello,David!Miss me?"natatawang sabi ni Ethan dahilan para mapangiwi ako at natawa naman ang iba.Nakarinig uli ako ng tawanan sa kabilang linya marahil ay dahil sa tanong na iyon ni Ethan. Ikaw ba naman magtanong ng ganon e! "[In your dreams]"seryosong ani nito dahilan para mapanguso si Ethan.Agad naman syang kinuwit ni Mingyu dahilan para mapatingin ito dito. *TSUP "Eww!Yuck!Kadiri!Waaaaa!Yung mata ko!"sabi ko habang nakatakip ang mata dahil sa biglaang paghalik ni Mingyu kay Ethan sa pisngi.Bigla nalang na humagalpak si Iseah ng tawa dahilan para samaan ko ito ng tingin. Binaling ko ang tingin kay Mingyu at Ethan na ngayon ay nakangiti sa isa't isa habang namumula ang mga mukha nila. King'nang iyan!! "Hoy kayong dalawa!"sabay silang napa tingin sa akin."Bata bata nyo pang dalawa naghaharutan na kayo"sermon ko sa dalawa dahilan para mapangiwi silang pareho. "Inggit ka?"tanong ni Ethan habang naka ngiti,napangiwi ako."Hanap ka ng bebe mo"bigla ko sa kanyang binato nung dala -dala kong suklay na hiniram ni Leila. Humagalpak naman sila ng tawa. "Baka nakalimutan nyong may kausap kayo sa cellphone"seryosong sabi ni Jacob dahilan para sabay-sabay kaming mapatingin sa cellphone ni Ethan. "Ay!Sorry!Hello,David"kausap ni Ethan sa cellphone. "[I thought you forgot me]"ani ni David sa kabilang linya. "Anong masasabi mo kay Zaina?"tanong ni Ethan habang nakatingin sa akin na naka ngiti. "[Just like what Lucas said,Zaina is cute when she get mad and she's funny also ]" ani ni David.Tinignan naman ako ni Ethan habang may nanunuksong tingin pero inirapan ko lamang ito. May girlfriend nayan,sira!! TAPOS na ang lahat na tanungin ni Ethan maliba na lamang kay Spade."Wait, tawagan natin si Spade"ani ni Ethan habang nakatingin sa cellphone nya na nagriring. Nakakaisang ring palang ng sagutin nya ito."[Hmmmmm?]"bungad agad na tanong ni Spade at halatang tinatamad ito na magsita. "Didiretsuhin na kita,Spade.Wala ng patumpit-tumpit pa't kara-karaka.Anong gusto mo kay Zaina?"tanong ni Ethan dahilan para mangunot ang noo ko. "Teka,bakit iba ang tanong mo kay Palito?"salubong na kilay na tanong ko. Tinignan nya lang ako at nginitian ng pagkalaki-laki. Ang unfair non!!!! Nakarinig kami ng hiyawan mula sa kabilang linya at mukhang inaasar nila si Spade. "[I like her face]"natahimik kaming lahat habang nakaabang sa susunod na sasabihin ni Spade."[I like her smile]" napaismid naman ako sa sunod nyang sagot.Hindi yung ismid na galit,yung ismid na pinipigilan yung pagngiti."[I like her attitude.....]"nakatingin lamang sila sa akin at inaabangan ang magiging reaksyon ko."[And specially....I like her]" huling sagot nito dahilan para pagbabatuhin ako nila Iseah ng mga fries. Sayang pagkain!!! "WAAAAAAAAAAAAAA!" "BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA!" "GAGO!KINIKILIG AKOOOO!" "SYUTANG INERMS!" "SAPAKIN SI ZAINA,NGAYON NAA!" Kanya-kanya silang react maliban lang kay Jacob na nakatingin sa akin habang nakangisi at kay Mr.I don't know na salubong na salubong ang kilay.Napapa tingin tuloy yung iba sa aming customer. Sabay-sabay naman na tumingin sa akin yung lima habang nakangiti.Pinagtaasan ko lang sila ng kilay. "Ayyyiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" "Uyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" "Si Zaina,namumulaaaaaaaaaaaaaaa!" "Bwahahahahahahahahahahaha!" "Witttttwittttttttt!" Nakatingin lamang ako sa kanila ng seryoso habang inaasar nila ako pero ang totoo ay gusto ko ng ngumiti.Pigilan mo. Hindi dahil sa kilig kundi sa banat ni Spade,doon ako natatawa. Tinignan ko lang sila habang nakangisi at naiiling.Mga siraulo!! Natigil lang sila sa pang-aasar sa akin ng magsalita si Mr.I don't know his name. "Who's that man?"tanong nya habang nakakunot ang noo.Sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya ng may pagtataka. "Sino?..."tanong ko. "Who's that--" ".....kausap mo?"pamimilosopo ko dito dahilan para titigan nya ako. "Who's that man?"tanong nya sakin habang nakaturo sa cellphone ni Ethan. Kunot noo naman akong tumingin sa cell phone at kinuha iyon kay Ethan. "Bulag kaba o tangang sadya?Pano magiging tao to,eh cellphone to"sabi ko bago ibalik kay Ethan ang cellphone.Rinig ko ang hagikhikan nila Iseah. Napahilamos nalang si Mr.I don't know ng kanyang mukha na para bang stress na stress na sya sa nangyayari. "Who's that f*****g man who said he like's you?"agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. "Excuse me,Mister?"taas kilay na tanong ko. "Is he your boyfriend?"tumaas lalo ang kilay ko sa tanong nya. "Hindi.Bakit?" "Bakit sinabi nyang gusto ka nya?" "Aba'y malay ko sa kanya.Bat sakin ka nagtatanong,ako ba si Spade?"masungit na tanong ko. "Spade?"patanong nyang sabi habang natatawa.Tumaas muli ang kilay ko."Ang pangit ng pangalan"sabi nito sabay tawa. Nagtawanan rin ang mga kaibigan nito. "Baka pangit rin ang pagmumukha nya" Humarap ako sa kanya habang naka taas ang kilay at pumameywang. "Excuse me?Anong sabi mo?Anong sabi mo?Pangit si Spade?"tanong ko at kunwaring hindi naririnig ang sinasabi ko. "Baka mabakla ka kapag nakita mo yon! "Sabi ko."Tsaka ano?Pangit pangalan nya?Bakit?Ano bang pangalan mo?"taas kilay na tanong ko. Ngumisi ito bago suklayin ang buhok at tumingin sa akin."I'm Miguel" "Miguel?Kapangalan mo yung kaklase kong may kulangot dati"sabi ko dahilan para magtawanan sila Ethan. "BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay-sabay nilang tawa,kahit si Jacob ay tumatawa narin which is first time kong makita sa kanya. "Kulangot amputa HAHAHAHAHAHA!" "KADIRI HAHAHAHAHAHAHA!" "KULANGOT SA PADER HAHAHAHA!" "KADIRIIIII!" Nakalimutan na nga namin na nakalive kami dahil sa Miguel na ito. "I wonder nga kung ikaw yung Miguel na kaklase ko e"sabi ko sabay ngisi sa kanya ng nakakaloko. "Ang sabihin mo,mas gwapo ako sa Spade na yon,hindi mo lang aminin dahil nahihiya ka sa akin"sabi nito na ikinataas ng kilay ko. Umismid ako."Mas gwapo sayo yon,ulaga !Kahit mala-Sakuragi ang buhok non dahil kulay pula ang buhok non,mas gwapo sayo yon"ani ko pa "Red Hair,huh.Match stick,palito sya" "Hoy!Para sabihin ko sayo ako lang ang may karapatan na tawagin syang palito dahil ako ang unang tumawag sa kanya non kaya itikom mona yang bunganga mong puro tartar!"nanlalaking matang sabi ko habang nakaharap sa kanya. Agad na nagbungisngisan sila Iseah. Wala naman talaga syang tartar,sinabi ko lang iyon para inisin sya.Pero ang totoo ay maganda ang ngipin nya. "I'm handsome than him" "Mas gwapo sya.Kutis palang walang-wala kana,mukha pa kaya"sabi ko bago ito irapan. "Basta,mas gwapo ako sa paningin mo,kesa sa kanya"Inis na inis at taas na taas ang kilay ko habang bumabaling ng tingin sa kanya."Jusko!Kuko lang nya" "Mas gwapo sya kesa sa paningin ko kesa sayo.Magiging sinungaling ako kung sasabihin ko na mas gwapo ka sa kanya" "Hindi kaba nagagwapuhan sakin?"inis muli akong bumaling kay Miguel. "Kahit gwapo ka kung hindi ikaw ang gusto ko wala akong pake sayo"sabi ko bago uminom ng chuckie na baon ko.Napa 'Ohhhhhhh' naman sila Iseah. Nakakainis!Akala ko nung una tahimik sya pero yun pala!Mahangin at mayabang! "Do you like me?"tanong nito na ikina-irap ko. Bumaling ako sa kanya."Hindi.Kaya pwede ba Miguel,umalis kana dahil nasstress na ako sayo" "Miguel,we need to leave na"sabay-sabay kaming napatingin sa mga kasama nya ng sumigaw ang isa sa kanila."We need to leave na,it's important"dagdag pa nito. Bumuntong hininga ito bago ito tumingin sa akin."Babalikan kita"sabi nya bago tumayo. Nagsalita ako."Kahit wag kana pating bumalik"sabi ko dahilan para lumingon ito sa akin. "Babalikan kita"ani nito sa seryosong pagmumukha at tono. Wag kana pating bumalik! Hindi na ako nagsalita pero nananatili parin akong nakatingin sa akin.Wala syang balak na alisin sa akin ang tingin kung hindi pa sya tinawag ng isang kasama nya. Nang tuluyan na silang umalis ay humarap na ako sa anim.Agad na nangunot ang noo ko ng sumalubong sa akin ang kanilang mga nanunuksong tingin at ngiti. "Ano?"inis kong tanong sa kanila. "Ikaw ha!"asik ni Liam.Tumaas naman ang kilay ko habang nakabaling sa kanya ang tingin ko. "Hindi ko---namin ineexpect yun ha!" Nagtaka ako. "Ang alin?"kunot noong tanong ko. "Yung pagtatanggol mo kay Spade" Tumaas naman ang kilay ko. "Eh ano naman ngayon?"inis na tanong ko pero nginitian nya lang ako ng malaki bago nagkatinginan yung anim at maka hulugang nagngitian bago ibaling ang paningin sa akin."Oh!Ano nanaman yang iniisip nyo?"inis kong tanong. "Gusto mo ba si Spade?"sabay-sabay nilang tanong dahilan para muntik ko ng ibuga yung iniinom kong chuckie. "Ano bang pinagsasasabi nyo?Bulag lang ang magkakagusto sa kanya"sabi ko bago sila irapang lahat. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis ng hindi ko alam ang dahilan. "Sus!E bakit mo pinagtatanggol!"inis akong bumaling kay Iseah. "E ano naman ngayon?Bakit nya kasi dinadamay yung tao na wala naman dito at walang ginawa-gawa sa kanya?Sinong tao ang hindi maiinis sa ganon?At isa pa, nananahimik yung tao,sinagot lang naman nya yung tanong ni Ethan punggok"agad akong sinamaan ng tingin ni Ethan pero inirapan ko lang ito. "Eh bakit ka galit?" "Hindi ako galit.Naiinis ako"dahil nakipag-away ako sa isang lalaki at ang malupet pa non ay live pa kami..........At isa pa, pinagtanggol ko ang lalaking hindi ko inaasahan na ipagtatanggol ko. "Grabe ka,Zaina.Umabot na ng Million ang viewers ko"ani nito habang naka tingin sa cellphone nya.Bumaling ito sa akin."Ang lakas ng karisma mo,Zaina. Anong gayuma ang ginamit mo?"tanong nito na nakapag pangiwi sa akin. Hindi ako sumagot at dumukdok na lang ako sa table.Bigla kasing sumakit ang ulo ko at parang masusuka ako. Napaangat ang tingin ko ng magsalita si Jacob."Mukhang uulan"sabi nya habang nakatingin sa labas.Napatingin din ako doon.Oo nga.Maitim ang mga ulap at nawala ang sinag ng araw."I think we should go home na"sabi ni Jacob. Nilingon naman ako ni Mingyu at Iseah ng may nag-aalalang tingin.Alam kasi nilang takot ako kulog at kidlat. Tumayo na si Iseah."Umuwi na nga tayo. Kailangan na rin ni Zaina magpahinga" Sabi nya habang nag-aayos ng gamit.Taka naman na napatingin sa akin yung tatlo. *(Kumulog) Biglang kumulog kasabay ng pagkidlat dahilan para mapadukdok ako sa mesa at kumuyom ng matindi ang aking kamay. Narinig ko naman na parang naghahalungkat ng bagay si Iseah sa kanyang gamit. "Akina ang cellphone mo"dinig kong sabi nya sabay kuha ng cellphone ko sa aking kamay."Isuot mo"agad na nangunot ang nag-angat ako ng aking ulo upang maisuot ang headphone.Nag okay sign naman si Iseah na para bang tinatanong kung okay lang ako. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Kinuha ni Mingyu ang dala kong bag pack na korean style sya na ang nagdala non. Tumayo na ako. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha nung tatlong lalaki pero hindi kona iyon pinansin. Nang makalabas kami ng jollibee ay biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas.Kita ko rin ang mabilis na pagliwanag ng paligid dulot ng kidlat dahilan para manginig ang aking kamay. Hinawakan ni Iseah ang kamay ko at hinigpitan ang hawak doon.Nilingon ko sya at ganon din sya.Nginitian nya ako na para bang nagsasabing magiging okay rin ang lahat kaya ngumiti ako ng pilit. Nagbukas na sila ng payong at lumusod kami sa malakas na ulan.Pero kahit na may gamit kaming payong ay hindi parin iyo sapat para hindi kami mabasa. Basang-basa na kami ng ulan kahit naka payong kami dulot ng malakas na ulan. Uubo-ubo ako habang naglalakad kami at panay naman ang tingin sakin ni Iseah kaya nginingitian ko lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD