CHAP 18. EMBRACING THE TRUTH

1553 Words
SOBRANG ganda ng siyudad sa gabi. Mas kita ang pag-ilaw ng Eiffel tower sa hindi kalayuan ng hotel. Tila ba parang isang larawan ng isang propesyunal na pintor ang tanawin sa labas. Ginuguhit din ni Baba sa isipan niya ang view na iyon. Gusto niyang ipinta ang nakikita ng mga mata niya mula sa kinahihigaan. Maybe because of the person beside her. The room was filled with romance. Magkatabi sila ni Prince Hanz sa king size bed nito. Nakayakap sa kanya ang lalaki na para bang ayaw na siya nitong bitawan pa. Gusto niya ang pakiramdam na iyon. Marahil siguro dahil naroon sila sa Paris. They say, Paris is the city of Love. Her heart beats faster at parang ayaw nang bumalik pa sa normal lalo na nang marinig ang pangalan niya sa lalaki habang natutulog ito. Hindi niya mapagmasdan ang mukha ng lalaki dahil madilim sa gawi nila. Hindi niya rin alam kung ilang oras na silang magkatabi sa kwarto na iyon. Ilang taon na siya at alam niyang wala na siyang time sa lovelife dahil napag-iwanan na siya ng panahon. She's 38 now but she acted like a girl na natabihan ni crush sa high school. This was her dream in the past, ang ma-feel na kayakap ang lalaki na may berdeng mga mata. At matapos ang mahabang panahon, ngayon lang niya iyon natupad. Kahit pa naganap na rin naman sa kanila ang ganito noon, wala naman siyang malay at mahimbing siyang nalango dahil sa Love Drug noon. She chose to stay in his arms. Halos ayaw niyang kumilos kahit kaunti dahil baka magising ang lalaki. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong pwesto. Nagising rin naman si Prince Hanz matapos ang mahabang pagpapanggap ni Baba na nananatiling nakahiga. Bigla itong kumilos kaya pumikit siya. Binuksan nito ang bedside lamp na nasa gilid ng pwesto nito. Unang napansin ni Prince Hanz ay parang tuod si Baba na nakahiga, straight na straight. Inangat niya ang gilid ng labi nang makita na gumagalaw ang eyeballs nito kahit nakapikit na halatang nagpapanggap na natutulog. Tinungkod niya ang pisngi sa braso at tumagilid paharap dito. He knew that she's awake. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ito nagpapanggap na natutulog. Hinaplos niya ng likod ng kamay ang pisngi nito at naramdaman niya na parang na-tense ito sa ginawa niya. Nais niyang matawa sa inakto nito. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit imbes na magalit ito sa kanya na tulad ng palagi nitong ginagawa ay mas pinili nito na magpanggap na natutulog. Niyakap niya ito sa bewang nang mahigpit at ramdam niya na mas kinabahan ito sa inakto niya. He took advantage na idikit ang ilong niya sa leeg nito. He loves her scent. He loves to lock her in his embrace. Hindi niya alam ang pakiramdam na iyon noon. Kaya naman pagsasawain niya ang sarili. Binawi niya rin naman agad ang huling naisip, hindi niya pala pagsasawain ang sarili na yakapin ito kung hindi gagawin niyang normal at pamilyar na bagay iyon sa pagitan nila. Inikot niya ang katawan ni Baba at pumaibabaw ito sa kanya. Nagawa niya iyon nang hindi tinatanggal ang pagkakayakap niya sa bewang nito. Hindi pa rin natinag ang babae sa pagpapanggap nito. Pero naririnig at nararamdaman niya ang bilis ng t***k ng dibdib nito. Kaya nauna nang sumuko si Prince Hanz. "Penelope, I know you are awake," he said. Biglang nagdilat ng mata si Baba saka humikab na kunwari ay kagigising lang nito. "Hmmm… h-hey, what are you doing?" pinalo pa nito si Prince Hanz sa dibdib. Humigpit pa lalo ang yakap ng prinsipe sa bewang ni Baba. Parang gusto niyang matawa sa galing nito umarte. "Tama na ang pagpapanggap. Kanina pa kita nahuli." Kahit ayaw ni Baba ay namula ang pisngi at tenga niya sa nadinig. Huling-huli kasi siya nito. "*cough* my Kaitlin. For sure she's starving now." "Our daughter is independent and smart. Siguradong nakakain na iyon." "L-let me go. I need to pee." Tinaas lang ni Prince Hanz ang isang braso nito sa likod ni Baba. "I won't let you go. Hindi ko na gagawin ang ginawa ko dati." Sumuko na si Baba at hinayaan na lang ang sarili niya sa bisig nito. Matapos ang mahabang katahimikan, inusisa niya ang prinsipe, "how did you get all of my CD albums?" Alam niya na first issue ang libo na iyon dahil sa serial numbers na nakasulat sa cover nito. "Tinawagan ko yung recording studio. Sabi ko ibenta sa akin ang lahat." "Why did you do that?" "Pwede ko na bang idahilan ang rason na para sa akin ang mga musika na laman niyan." Nabigla na lang si Prince Hanz nang marinig na humihikbi si Baba habang nakasandal ang ulo nito sa dibdib niya. Hinayaan niya lang ito na umiyak hanggang gusto nito. Sa palagay niya ay naipon sa dibdib nito ang lahat ng kalungkutan sa loob ng maraming taon. ..... HINAPLOS ni Prince Hanz ang buhok ni Baba. Patuloy lang siya sa pag-iyak.  Para siyang batang nawala sa lansangan sa loob ng mahabang panahon. O taong naligaw sa dilim at matagal na hinahanap ang sarili.  Sa loob ng mahabang panahon ay ngayong lamang din nailabas ng totoo ni Baba ang tunay niyang nararamdaman.  Kahit nang namatay ang matalik niyang kaibigan na si Dylan ay hindi niya nagawa ang umiyak.  She was lonely in the past years. Hindi niya nagawang sabihin kahit sa magulang ang problema. Mas pinili niya na manahimik. Walang alam ang mga ito kung sino ang tunay na ama ni Kaitlin.  Her Mom and her Dad never asked her past.  Naging masikreto siya sa loob ng mahabang panahon. Namumuhay siya nang mag-isa at itinago sa lahat ng tao ang tunay niyang saloobin.  "Bakit ang tagal mong dumating? Bakit ngayon ka lang? Why? Why?" parang bata na tanong ni Baba sa lalaki.  Nalungkot si Prince Hanz sa tanong niya. "Dahil ito ang nakasulat sa tadhana nating dalawa. Ginawa ko naman na hanapin ka matapos kong maayos ang problema sa bansa ko noon. Matapos ang naganap sa ating dalawa, hindi kita nakita sa loob ng mahigit dalawang buwan…" "...When I found you, you told me to go away and never bother you again. Then, I heard you got married. The only thing I could do is to move on." "When I saw you the other day in the auction, I was really bothered… nabigla talaga ako." Dumaan ang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Saglit nilang dinama ang isa't-isa.  "Bakit ka nagkaroon ng maraming ka-date noon? Did you know that I was hurt?" Tanong ni Baba na may halong pagtatampo.  "It's a ploy. I received threats from terrorists. Tinakot ako ng terorista na huwag na huwag niyang malalaman ang kahinaan ko." Does he mean she was his weakness? Unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag ang lahat sa nakalipas para kay Baba. Kaya pala bigla na lang din nawala ang komunikasyon sa kanya si Smiley noon.  Hinawakan ni Prince Hanz ang baba ni Penelope para iangat iyon at salubungin nito ang mata niya.  "Nangangako ako na gagawin ko ang lahat ng mga hindi natin nagawa noon. Maybe it's too late for us but we can still do it. Maglalakad tayo ng naka-holding hands. Manonood ng sine. Kakain sa labas. Like what lovers do."  "Sinong nagsabi na gusto kong makipagdate sa iyo?" namumula ang pisngi na saad ni Baba sa mahinang boses. Inilayo niya ang mga paningin sa lalaki. "Because I'm charming." Baba "..." "No. You're not."  "Really?" pumikit-pikit ito para magpa-cute, "I'm not charming enough? I'm not Prince charming?"  Natatawa si Baba at nawala na ng tuluyan ang kalungkutan niya.  "Tatayo na ko. Nagugutom na ko." Umakto na siya na tatayo para makalayo sa lalaki ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito sa bewang niya.  "I told you, I won't let you go. Call me 'Hubby' baka magbago isip ko," pangungulit ni Prince Hanz.  Baba "..."  Ang lalaki na yata ang may pinakamakapal na mukha sa balat ng lupa.  "Come on, I need to check my daughter."  Bumitaw din naman si Prince Hanz nang marinig na dinahilan ni Baba ang anak niya.  "Haay… just a simple word 'Hubby', naipagkait pa sa akin," reklamo nito.  Tumayo na si Baba at tinungo ang pintuan at saka sinabing… "I agree, Hubby."  Matapos niyang sabihin 'yon ay parang tanga na nangingiti na binuksan ang pintuan. May edad na siya pero hindi niya napigilan na kiligin na parang bente anyos lang.  Agad na kumalat ang ilaw mula sa living room ng royal suite. Bahagya pang nasilaw si Baba dahil dim light ang ilaw sa kwarto na pinanggalingan niya.  Mabilis na bumangon si Prince Hanz at sumunod kay Baba.  Naabutan siya ng prinsipe sa labas ng kwarto at mabilis siyang hinarap at niyakap nito sa bewang.  "Say it again," pangungulit muli ng prinsipe.  "I shall not."  "Say it again. Hindi ko iyon narinig ng maayos."  Namumula ang pisngi ni Baba. "I agree, H-hubby."  "Yes!" Bigla nitong hinawakan ang isang panga niya at sinakop ang labi niya. Hindi na magawa pa ni Baba na tumanggi sa halik na iginawad ng prinsipe sa kanya. His kiss was sweet, passionate and flirtatious afterwards. He sucked her mouth sweetly at tila nag-iiwan ng kiliti sa bawat pagkilos nito. They wouldn't care about the world anymore.  'Ah, so this is the feeling of being kissed by him.' "Ehem!" Kapwa sila napalundag at mabilis na naghiwalay nang makarinig ng pagtikhim.  Halos hindi makatingin si Lorenz sa PDA act nila na naroon pala sa loob ng kwarto. Nasa kabilang panig nito si Kaitlin na amused sa ginawa ng magulang nito. Nasa tea table ang dalawa at nagmemeryenda. May dalawang bodyguard din sa loob ng kwarto. Itinakip ni Baba ang dalawang palad sa mukha dahil sa kahihiyan. Palibhasa ay nasanay na kasi siya nang mag isa lang palagi kaya hindi niya napansin na may mga tao pala sa loob ng kwarto.  Hiyang-hiya siya sa kalandian na ginawa nila ni Prince Hanz. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD