CHAP 17. HIS DAUGHTER

1512 Words
PUMASOK si Prince Hanz sa hotel suite ni Kaitlin dahil pinaalis siya ni Baba sa royal suite. Natagpuan niya ang anak na nagbabasa ng libro nito sa cream na single couch. Nagrereflect sa kalahati ng mukha nito ang liwanag na nagmumula sa labas.  "Ah, your Mom is terrible," reklamo niya sa anak. Binaba nito ang libro. "Did you have a fight with her again?" Naisipan ni Prince Hanz na umupo naman sa long couch na nasa gilid kung saan ito nakaupo. "I don't want to fight with her but she was the one who always initiated it." Saglit itong nag-isip. "To be honest, it was also your fault. Mabuti na lang my Mom can do so many things, what will happen if we became a beggar? I will give you a week para mapasagot si Miss Penelope," hamon ni Kaitlin sa prinsipe. "Sa palagay mo, kaya ko iyon?" Napangiwi si Prince Hanz. Duda siya kung mapatawad siya ni Penelope sa loob ng isang linggo. "Of course you can do it! You are my Dad. duh?" Napangiti ng simple si Prince Hanz. Kung naniniwala ito na kaya niya, kailangan niyang kayanin. "On your next break, I'll bring you to my home. Basically, you are a princess because you are my daughter. What can you say about it?" "Hmm... Nothing." Sinara nito ang binabasa na libro. "It's because I live like a real princess ever since I was a child. I have three bodyguards." Inangat nito ang tatlong daliri. "And they are not just bodyguards. They are well-trained guards by my Uncle Lorenz. I could get and buy what I want. If I asked my Mom to give me a Disneyland, I guess, she will find ways to give it to me. I lived in a school for girls which is also a dormitory. It was an international school where my Mama spent thousands of dollars every year just to keep me safe. So, even without the title, I am a princess." Prince Hanz "..." Akala niya ay kaya niyang suhulan sa ganoon ang anak. Hindi ba't ang mga batang nasa edad ni Kaitlin ay madalas ma-excite kapag narinig na isa silang prinsesa? Ngunit iba sa inaasahan niyang tugon mula dito. Parang biglang umurong ang dila niya sa sinabi nito. "But don't worry, with or without a title, I am acknowledging you as my Dad," saka ito ngumiti sa kanya at ibinalik ang tuon sa binabasang libro. Napapailing na lang siya, the way Kaitlin talks is royal. With or without a title,  hindi maikakaila na kalahi niya talaga ito. Diretso magsalita ang anak niya, alam nito ang sasabihin nito without rebutting, imposible na hindi pakinggan ang nais nitong sabihin at nasa punto. Ngayon pa lang ay nakikita na niya ang future ni Kaitlin sa bansa niya. "Pwede ba kitang yakapin?" Tanong ni Prince Hanz "Pwede. Kapag napasagot mo na ang Mama ko," saad nito nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Prince Hanz "..." ..... BINABALOT si Baba ng kalungkutan ng sarili niyang musika na umiikot sa buong kwarto. Umupo siya sa couch at tumingin sa labas ng bintana. Unang beses niya kasi na marinig ang CD niya. Nang panahon kasi na nasa proseso ang album niya ay naganap sa kanya ang Love Drug. Matapos naman niyang magising sa parehas na kwarto ay parang ayaw niya nang marinig pa ang mga likha niya noon. Masyado siyang nalungkot kaya siya sumama kay Cally sa Kent Mansion noon para magmove on. Nilayuan na rin niya ang piano kaya naman mahigit sampung taon na siyang hindi aktibo sa concert. Napatingin si Baba sa makinis, malambot at maputi niyang mga kamay. Hinaplos ng bawat isa ang kamay. It will take her time bago makabalik nang tuluyan sa first love niya na pagp-piano, lalo at may isang dekada na siyang hindi nakakapindot ng piano keys. Bumalot ang lungkot sa puso ni Baba habang nakatuon ang lahat ng atensyon niya sa musika at sa magandang view ng maaliwalas na panahon ng Paris City mula sa royal suite ni Prince Hanz. Ang bawat nota ng likha niya ay nabuo niya para kay Prince Hanz noon. She was lonely in the past years. Kaitlin was right, she was lonely na naitago niya sa loob ng mahabang panahon ngunit hindi sa mata ng anak niya.  And now, her daughter wanted her to be happy.  Hindi niya akalain na matapos ang matagal na panahon ay magsisimula na maghilom ang lahat ng lumbay niya noon. Mabilis niyang natanggap ang lahat pero huwag aasa si Prince Hanz na madali niya itong mapapatawad.  Hindi nga ba? Pumikit siya at ninamnam ang musika na bumabalot sa buong kwarto. It was her song. She wanted to listen to every piano note that she created in the past hanggang sa makatulog siya sa malambot na sofa. ..... DAHIL hindi nakatulog ng maayos si Baba nang nagdaang gabi, hinila siya ng antok lalo na at isang mabagal at malungkot na musika ang pumapailanlang sa kabuuan ng kwarto. Idagdag pa ang magandang view sa labas.  Nang pumasok si Prince Hanz sa kwarto ay natagpuan niyang natutulog si Penelope sa isang couch malapit sa bintana.  Umiikot ang malungkot na tugtog ng piano sa  kwarto na iyon.  Hangga't maaari ay ayaw niyang patugtugin ang musika nito dahil madalas na makaramdam siya ng lungkot.  Nakasandal ang ulo nito sa gilid ng single couch.  She was like a fairy, ito ang talagang tingin niya sa babae. Simula noon hanggang ngayon ay iyon ang tingin niya dito.  Pinagmasdan niya ang nakapikit na anyo ni Baba. Her asian look was mesmerizing. Mapusyaw ang balat nito na katamtaman. Hindi kayumanggi at hindi rin mestiza. Her straight, short black hair ay nababagay sa hugis ng mukha nito.  Her lashes are long, her thin nose and her thin red lips. He suddenly has an urge to kiss her lips, pero kailangan niyang kalmahin ang sarili.  Baka matalo siya sa anak niya na nagbigay ng isang linggo kapag nagalit sa kanya si Penelope dahil ninakawan niya ito ng halik.  Nagagawa pa rin nitong patibukin ang puso niya kahit nakalipas na ang maraming taon.  She was always in his heart. He first saw her in her early twenties but she was now in her late thirties.  Kinuha niya ang kamay nito at dinama ang palad nito. He wanted to be with her always.  Ang huling araw na nagkasama sila ng babae ay nang iwan niya ito sa kwarto kung saan sila naroon sa ngayon.  He rubbed his big thumb on her hand. If he could go back to a time. Pipiliin niya ang panahon na nakita niya ito na nakasuot ng uniporme sa gitna ng winter. Their first meeting.  He wished na sana ay magawa nga niya na ibalik sila sa nakaraan.  Para hindi siya nagsisisi kung bakit hindi niya nagawa na magpakilala sa babae ng maayos.  Kung nagawa lang sana niya na ibigay ang mga bulaklak niya tuwing concert dito ng personal, baka iba ang naging takbo ng buhay nilang dalawa ngayon.  Maaaring iba ang kinahinatnan ng buhay nila ngayon.  Iyon nga lang, wala nang 'what ifs' dahil halos dalawang dekada ang mga taon na sinayang niya.  He picked up Penelope from the couch. Nagpasalamat ang prinsipe na hindi pa rin ito nagigising. Hiniga niya ito sa kama nang maayos para mas makatulog ito.  Saka siya tumabi ng hawak ang kamay nito.  In the past 10 years hindi siya nakakatulog ng maayos. Madalas niya kasing isipin ang dalaga. Kahit pa nga hangga't maaari ay ayaw niyang magkaroon ng balita tungkol dito.  Whenever he is alone, he is wondering where she is.  Iniisip niya ang babae tuwing nag-iisa siya. Before he go to sleep. Kung ano ang lagay nito. Madalas din na dalawin siya nito sa panaginip.  Hindi rin naman kasi maikling panahon ang oras na inilaan niya kay Penelope noon. Personal na pinupuntahan niya ang concert nito noon. Sa Australia, sa Germany, sa iba't-ibang states sa America, Canada, Russia at kung saan pang mga bansa na may concert ito noon.  Madami siyang effort na ginawa para sa babae noon. Sinundan niya talaga ito kahit saan at nangarap na balang araw ay makakasama niya rin ito.  Parang hinila rin ng antok si Prince Hanz at sinamahan si Baba sa pagtulog.  Sa loob ng mahabang panahon, tila ba parang ngayon lang niya nagawa na makatulog nang walang problema na iniisip.  Nakatulog siya ng payapa dahil katabi niya ang babae na pinangarap niya sa mahabang panahon.  ..... NAGISING si Baba matapos makatulog ng mahabang oras. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog pero puro city lights na ang bumungad sa kanya sa labas ng floor-to-ceiling window ng royal suite na iyon.  Kumikinang ang mga ilaw sa labas ngunit madilim sa loob ng kwarto.  Agad na lang na nanlaki ang mga mata niya nang may mainit na hininga na dumadampi sa balikat niya.  Dahan-dahan niyang nilingon ang katabi. Ayaw niya maghisterical.  Kahit madilim ay alam niyang si Prince Hanz ang nasa tabi.  Napalunok siya nang bumalot sa pang-amoy niya ang masculine scent nito. Tila ba parang nanggagaling sa ilalim ng malamig na ilog ang amoy ng lalaki. Hindi masangsang at hindi rin naman matapang ang amoy nito. Para bang may nag-uutos sa kanya na hayaan ang lalaki sa ganoon.  Nang kumilos ito ay pumikit siya. Baka kasi mahuli siya nito na gising.  Pumikit siya ng mariin nang higpitan nito ang yakap sa bewang niya.  "Penelope…" bulong nito na para bang nananaginip.  "Don't leave me… hmmm…" tapos ay nagpatuloy sa mahinang paghilik.  Ang alam lang ni Baba kumakabog ng todo-todo ang dibdib niya dahil sa mga narinig. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD