CHAP 16. ACCEPTANCE

1644 Words
HINDI alam ni Baba kung ano ang isasagot sa sinabi ni Prince Hanz. Nabigla siya sa pagtatapat nito. It was him, it was really him!  So, that is the reason why the man that night was so sweet. The man she remembered is gentle and sweet. Kahit pa nga hindi niya nakikita ang lalaki noon dahil sa sobrang pagkahilo at para siyang lasing na walang maaninag na maayos. Wala na siyang bitterness na nararamdaman sa nakaraan niya pero hindi niya alam kung paano tatanggapin ng utak niya ang sinabi nito. "So, you mean you are Kaitlin's father?" "Yes." Naniningkit ang mga mata ni Baba sa lalaki. Kinuha niya ang bouquet ng rosas sa mesita at pinagbabato ang lalaki ng mga piraso ng bulaklak .  "Then, why didn't you tell me? Ikaw na yata ang pinaka-magaling na lalaki sa lahat. Matapos mo akong paasahin ng ilang taon sa pagpapadala ng bulaklak, pinaasa mo rin ako na magkikita tayo, tapos bigla ka na lang pumasok sa kwarto ko na walang pasabi para buntisin ako? Matapos mo akong buntisin, wala ka nang paramdam? Isa kang manyak! Stalker! Babaero ka pa!" Nang maubos ang bulaklak niya, pinagpapalo niya ito ng natirang bouquet. Naka-cross ang kamay ni Prince Hanz para hindi tumama sa mukha nito ang bulaklak dahil matinik pa rin ang tangkay niyon kahit papaano.  Sa garden mismo galing ang mga iyon na pagmamay-ari ng may-ari ng hotel.  "It's.. It's a long story, I was on my way to Hong Kong that night but the terrorists attacked my country. And it took me weeks bago natapos ang problema sa probinsiya. My country needs me." Biglang pinigil ni Baba ang pagpalo niya dito ng bouquet. If she remember correctly, nang panahon na pupuntahan dapat siya nito sa Hong Kong ay nabalitaan nga niya ang tungkol sa laban ng Country H sa mga bansa sa Northern Europe.  "I'll explain everything to you in the future." Muling umupo si Prince Hanz sa sofa. Sasagutin pa sana niya ito kaya lang ay biglang nag-ring ang cellphone niya na ipinatong niya sa ibabaw ng cabinet bago niya ito pagbuksan ang lalaki ng pintuan. Tinungo na muna niya ang cabinet para sagutin ang tawag. Nakita muli niya ang pangalan ng sekretarya niya. Humihiling siya na sana ay hindi masamang balita ang sasabihin nito. "Hello."  "Miss Penelope, the news spreading now is about you and Chairman Hansson. They said you are seducing him para sa anak mo."  "Ha?"  "May naglabas ng picture niyo sa huling auction na pinuntahan mo. Then, someone captured him na pumasok sa loob ng apartment mo. They are assuming that you are already hooking up with him just after two nights."  'Naloko na! Naloko na talaga!' Kilala siya bilang isang mahinhin na babae. Aral ang kilos at walang nabalitaan na negatibo sa kanya. Pinukulan niya ng masama ang lalaki na nag-eenjoy na nakaupo sa sofa.  Siya itong na-stress samantalang itong kumag na ito ang may kasalanan!  "Mag-iisip ako ng paraan," sabi niya sa sekretarya niya. "Mag-ingat ka Miss Pen." Tinungo niya ang fridge para uminom ng tubig at pakalmahin ang sarili.  May ilang saglit din siyang nanatili doon para mag-isip bago niya nilingon ang pwesto ni Prince Hanz.  Pero nagulat siya nang hindi na makita ang lalaki sa sofa.  "s**t! Where is he?"  Nanlaki lalo ang mata ni Baba nang makita ang lalaki na naroon na sa terasa at nagpapahangin na akala mo ay bisita lang ito doon sa apartment niya.  "You!" tinungo niya ito pero agad na nagflash ang mga camera mula sa ibaba. Muli siyang pumasok sa loob, sa pwesto na hindi siya makikita ng mga paparazzi.  Wala na! Nalintikan na talaga!  At ang mokong na lalaki ay nagawa pang kumaway sa ibaba, sa grupo ng mga ito.  "Come back here!" bulong niya pero halatang nangigigil. Kinawayan niya ito para pumasok sa loob.  Nagpapadyak pa siya dahil sa pagkainis.  Ngumiti lang si Prince Hanz. Halatang iniinis siya nito lalo. "I like the view here. I like your place. Unfortunately, you are not safe here anymore," sabi nito.  "Come back here!" nilapitan niya ito para hilahin papasok. Nahihirapan na nga siya kung paano ipaliliwanag ang tungkol kay Kaitlin, dumagdag pa ang lalaking ito.  Sa halip, siya ang hinila nito at kinulong siya nito sa bisig. Mabilis na nagflash ang mga camera.  "The only way to solve this issue ay harapin mo ang kung ano ang katotohanan." Nilingon niya ang ibaba na patuloy sa pag-capture sa kanila ng camera.  "That I, Prince Hanz, is the father of your daughter. Iyon ang katotohanan at hindi tayo nagpapanggap lang. Gets?" hinigpitan nito ang yakap sa bewang niya.  Nanunuot ang amoy ng lalaki sa ilong niya. Kahit ang hininga nito sa sobrang lapit nila sa isa't isa.  Binulungan niya ito, "subukan mong tyansingan ako, I'll definitely crash your balls." Kinurot niya ang tagiliran nito.  Sabay ngiti niya sa camera sa ibaba at naki-kaway na rin. Pinilit nito na huwag ngumiwi.  "Let me try then, I am looking forward to how you are able to do it."  ..... HINDI maintindihan ni Baba kung bakit siya sumama kay Prince Hanz sa royal suite nito sa hotel kung saan ito tumutuloy sa Paris.  Iyon din ang hotel na tinuluyan nila sa Paris mahigit sampung taon na ang nakaraan.  Nag-iba nga lang ang lahat ng kagamitan sa sala nito kaya hindi niya nakilala.  Kasama niya si Kaitlin na tumuloy sa katabing suite. Para matapos ang problema, sabay nilang hinarap ang mga reporters na nasa bungad ng apartment niya. Tumawag ng sampung bodyguard ang prinsipe para dumagdag sa proteksyon nila. Paglabas pa lang nila ng main gate sa bungad, pinagkaguluhan na sila ng grupo ng mga paparazzi. Niyakap niya agad si Kaitlin na nilagyan niya ng mask para maproteksyunan ang anak niya. "The photos online are true. We have a daughter." Simple lang ang sinabi ni Prince Hanz pero naintindihan agad ng mga paparazzi ang ibig sabihin ng prinsipe.  Ibig sabihin lang ay anak niya ang nasa larawan at ang tatay nito ay si Prince Hanz. "We only want protection for our daughter. If you felt betrayed by the thoughts of keeping our kid from the public, it's your opinion. But as a parent, we only want safety for our kid." "But Chairman Hansson, paano namin paniniwalaan na anak mo ang anak ni Miss Penelope? And your daughter looks almost at her teens. How long did you know each other?"  "More than eighteen years." Napasinghap ang lahat at hindi kinalimutan ang sinabi na iyon ng prinsipe. Patuloy lang sa pagkuha sa kanila ng larawan. Her news of having a kid was already big news. Lalo na nang sabihin nito na matagal na silang magkakilala.  "I hope wala na kayong tanong. We will see you all in our wedding. Thank you!" Iyon ang mga huling naganap sa ibaba ng apartment niya nang sunduin sila nito na magnanay. Kaya heto siya at napilitan na mag-stay sa royal suite ni Prince Hanz. Panay ang ring ng cellphone niya simula nang sabihin nito sa publiko na may relasyon silang dalawa. Kaya pati ang mga kamag-anak niya ay panay ang tawag sa kanya. "I'm going outside!" Hiling niya sa lalaki. "It's not safe outside," saad ng lalaki.  "I have a meeting today."  "Kung ganoon sasamahan kita."  Hinarap niya ito at humalukipkip siya.  Hindi ba nito naiintindihan na kaya nga niya gustong lumabas ay para layuan ang lalaki kahit saglit.  "Bantayan mo ang anak ko, it's your time to make bonding with your kid." Nasa katabing hotel suite si Kaitlin para magreview habang bakasyon daw nito at pinayuhan silang dalawa na mag-usap.  "Pero gusto ko rin makipag-bonding sa'yo."  Tila umurong ang dila niya sa sinabi nito. "I-I don't want to see you. I need air, I need space from the universe!"  "But you are my air and my universe."  Baba "..."  Hindi niya talaga alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha ang prinsipe.  "Look, inamin lang natin kanina na may relasyon tayo at may anak tayo. Kung makikita ka ng publiko na mag-isa, what do you think they will believe?"  Natahimik siya sa sinabi nito. Nag-isip siya. Kung tutuusin ay may punto ang lalaki. Ngunit sa panahon ngayon, ayaw na muna niya na makita ang prinsipe sa publiko na kasama siya. Sobrang overwhelming pa ng mga kaganapan sa isipan niya.  She'd rather choose to stay in that room without any paparazzi.  "Let me stay in this room kung ganoon. At ikaw, bond with your kid instead!"  "No! I'll stay here. Where you go, I'll go."  Nanggagalaiti na siya sa galit. Gusto na niyang magpapadyak sa kakulitan nito.  Samantala, nangingiti naman si Prince Hanz sa nakikitang reaksyon ni Baba. Halatang naiinis na ito sa kanya. Natutuwa talaga siya na tudyuin ang babae.  Ilang saglit pa ay tumayo rin naman si Prince Hanz para puntahan si Kaitlin. He gave up dahil baka lalo itong magalit sa kanya.  As much as he wanted to be with Baba, he knows that what happened between them in the past shocked her.  Alam niya na mababawi niya rin naman ito sa mga susunod na panahon dahil nabalitaan niya na wala namang naging nobyo ang babae. Mag-isa itong kumayod para gabayan si Kaitlin.  "Okay, i-interview-hin ko na lang muna si Kaitlin. Take time to rest. Let's have lunch after one hour."  Nakahinga rin sa wakas si Baba nang lumabas ang lalaki sa suite pero may naiwan na bodyguards.  "Follow your boss!" utos niya.  Pero hindi natinag ang dalawang bodyguard. Nanatili na nakatayo sa bungad.  Nangigigil na binuksan na lang ni Baba ang bedroom ng suite na iyon. Ngunit doon siya nagulat.  The room inside was like her own place.  Natatandaan niya ang kama na naroon sa kwarto. Doon siya nagising matapos niyang makaligtas sa Love Drug.  She saw one thousand CD albums sa isang bukas na kabinet na parang naging disenyo na sa loob ng kwarto. Nakasalansan iyon ng maayos. Pantay-pantay at walang naliligaw.  Sure enough, it was her album na para bang pinakyaw nito ang lahat ng CDs niya na first released matapos ang trahedya na naganap sa kanya noon. 'Did he buy all of it?'  Ang mga nakasabit na painting sa pader ay gawa rin niya. Kumuha siya ng isang CD album at nilagay niya iyon sa DVD player na nasa hilera.  Pinatugtog niya ang CD niya na unang beses niya na mapakikinggan matapos ang mahigit sampung taon. Pumailanlang sa loob ng kwarto ang malungkot na musika ng piano. While she, remembering the past.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD