NAG-AATUBILI man ay sumunod si Prince Hanz kay Baba. Lumabas siya ng apartment nang nakasunod ang dalawang bodyguard.
Natagpuan niya si Lorenz sa labas na nakasandal sa pader at naghihintay.
"I want to hear your story," saad nito.
Tumango lang siya at inaya ito sa isang kapehan na nasa malapit.
.....
SAMANTALA, lumabas naman si Baba at si Kaitlin para ipasyal ang anak niya. May suot siyang mask para hindi makilala ng kung sinong paparazzi lalo at nasa Paris sila.
Nanood sila ng sine, kumain sa labas at nag-ikot-ikot sa mall.
Wala namang pinabili si Kaitlin, dahil ayon dito, kumpleto pa ang gamit nito na dadalhin sa dormitoryo ng eskwelahan.
Halos madilim na rin nang makabalik sila sa lugar kung nasaan ang apartment niya. Pero pinili nila na magstay muna sa swing na nasa park ilang metro ang layo.
Tig-isa sila sa magkatabi na swing. Umiingit pa ang bakal kada galaw nila.
"Tell me Ms. Penelope, don't you like him anymore?" tukoy ni Kaitlin kay Prince Hanz.
Saglit na nag-isip si Baba. Alam niya na hindi na bata ang anak niya at marami nang naiintindihan kumpara sa ordinaryong bata.
Napaisip siya sa tanong nito.
May edad na rin kasi siya at nakafocus na ang utak at puso niya na ipagpatuloy ang pag-alaga at sa pagpapalaki kay Kaitlin.
Sa loob ng mahabang panahon, sa trabaho niya binuhos ang oras bukod dito.
Aminado naman siya na wala rin talaga siyang nagustuhan na ibang lalaki bukod kay Prince Hanz. Pero kung tatanungin ang sarili kung mahal pa ba niya ang lalaki. She was sure na hindi na.
Pero... hindi na nga ba? Halos sampung taon din naman siyang umasa sa lalaki. Simula noon ay wala naman siyang iba pang nagustuhan bukod dito.
Or maybe because, she asked him to stop pestering her way back then.
"Are you hungry?" tanong ni Baba. Hindi niya ito sinagot sa tanong nito kung gusto niya pa rin ba si Prince Hanz.
"Not yet, we just took a snack before going back."
Nilingon siya ni Kaitlin bago nagpatuloy. Ramdam nito na iniwasan niya ang tanong.
"Miss Penelope… I don't want you to be alone in the future. Especially when I'm at school. I want you to be happy and I can really feel that the man still loves you. You waited for him in the past. Maybe you are still waiting, it was just too painful... I will be happy if you chose to continue your life with him. Why not give him a chance?"
Natigilan si Baba. Tinanggal niya ang mask na tumatakip sa bibig niya, bumaba siya sa swing saka niyakap ang anak niya.
She kissed her forehead. "I love you so much Dear."
Someone secretly captured a picture of that moment. He grinned afterwards.
.....
MAGKATABI si Baba at Kaitlin sa kwarto. She looked at her daughter deeply.
She was really touched by what she said. Her daughter wants her to be happy.
Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkamatay ng matalik na kaibigan na si Dylan.
The past keeps haunting her. Nagsimula ang lahat sa manager niya hanggang kay Dylan.
Pinilit na lang ni Baba ang matulog habang kayakap ang anak.
Kinabukasan, isang tawag mula sa sekretarya niya ang gumising sa kanya.
"Hmm… Hello?" namamaos pa na sagot niya dito. Hindi siya nakatulog ng maayos nang nagdaang gabi kaya inaantok pa ang diwa niya.
Tinungo niya ang bintana at hinawi ang kurtina. Agad na kumalat ang liwanag sa parte ng kwarto na iyon.
"Miss Penelope, do you have a kid?" narinig niyang tanong ng sekretarya niya mula sa cellphone.
Nanlaki ang mata niya nang makita na may mga nag-flash na camera mula sa ibaba. Madaming tao sa ibaba. Agad niyang sinarado muli ang kurtina. Tila nagising na nang tuluyan ang diwa niya.
"Wh-what is happening?" tanong niya sa sekretarya niya.
"Miss Penelope, kumakalat ngayon sa internet ang picture mo na kasama ang isang bata sa isang swing…"
"..Most of the people are questioning who that child is. And most of them assumed that she was your kid. So, they wanted to know who the father of your kid is. They are accusing you of being a liar," paliwanag ng sekretarya niya.
"P-picture?" nilingon niya ang anak niya na nasa kama.
"Yes."
"I will call you again." Hindi na niya hinintay pa ang sagot mula rito at agad niyang pinindot ang 'end call' button.
Tiningnan niya ang local news at nanlaki ang mata niya nang makita ang larawan nila ni Kaitlin.
Kuha ang larawan sa nangyari nang nagdaang gabi. Halik pa niya ang noo ni Kaitlin.
Nabigla talaga siya na lumabas na sa publiko ang tungkol kay Kaitlin.
Mabuti na nga lang at hindi masyadong halata ang mukha ng anak niya sa larawan.
Nabigla si Baba. Hindi niya akalain na ang proteksyon na ginawa niya kay Kaitlin ay aabot sa ganito.
.....
PANAY ang ikot ni Baba sa kwarto. She doesn't know what to do.
Kapag may nag-imbestiga pa nang mas malalim tungkol sa anak niya, nag-aalala siya sa proteksyon ni Kaitlin.
Nabigla siya nang mag-ring ang cellphone niya at nakita ang numero ni Prince Hanz. Hindi niya ito pinansin dahil wala siyang panahon para kausapin ang lalaki sa mga oras na ito.
Pero nagulat siya nang may mag-doorbell. Umangat din ang mga balikat niya dahil sa pagkabigla.
Kinakabahan siya na tinungo ang main door.
Sumasabay ang doorbell at ang ring ng cellphone niya kaya pinili niya na patayin ang tawag ng lalaki sa cellphone dahil nakadagdag iyon sa sakit ng ulo niya.
Sinilip niya ang peephole ng pintuan. Nakayukong nilalang ang nasisilip niya sa kabila ng pintuan.
'Sh*t! who's this?!'
Kinakabahan siya na baka nakapasok ang mga paparazzi sa loob mismo ng gusali kung saan naroon ang apartment niya.
"Penelope, open the door. It's me," narinig niya ang boses ni Prince Hanz.
Hindi na sana niya ito pagbubuksan pero kapag nalaman ng mga tao na naghintay ito sa tapat ng pintuan niya, mas malaking problema.
Agad niyang binuksan ang pintuan at sumilip sa kaliwa at kanan ng hallway bago niya hinila ang lalaki papasok sa loob.
Papasok din sana ang dalawa pang bodyguard na kasama ng prinsipe pero pinigilan niya ang mga ito.
"You stay here."
Sumama ang mukha ng dalawang bodyguard.
"It's okay, my wife will not kill me."
"Augh!" Siniko niya ito sa tagiliran dahil sa narinig kaya lalong nagduda ang dalawang bodyguard ni Prince Hanz.
"I-it's okay, lovers do quarrel," saad nito habang sapo ang tagiliran na namimilipit, "give her my flowers."
Noon niya lang napansin ang food cart na bitbit muli ng grupo nito. Mabilis na sumunod ang isang bodyguard, kinuha nito ang bulaklak at inabot sa kanya.
Para matapos na ang usapan ay kinuha na lang niya 'yon at sinarado ang pinto.
Tumuloy naman ang prinsipe sa loob at sinandal ang sarili sa malambot at malapad niyang sofa habang sapo ang tagiliran.
Pinatong ni Baba ang bulaklak na dala nito sa mesita na nasa tapat ng sofa kung saan nakaupo ang lalaki. Pinameywangan niya ito.
"What are you doing here?" Sita niya agad dito. Kapag nakita ng mga paparazzi si Prince Hanz, siguradong mas malaking problema.
"I'm here to get you and Kaitlin. You are not safe here anymore," sabi nito.
"It's me to decide kung saan kami lilipat." Matigas na saad niya. Kung mag-feeling close itong lalaki, masyadong ginagalingan.
"Then, tell me the place."
Nakaramdam na ng inis si Baba. Pinilit niyang mag-isip.
Sa ngayon, wala pa kasi siyang naiisip na lugar kung saan sila mananatili na mag-ina. Ang apartment niya ang pinakasafe sa kanilang mag-nanay pero ngayon na alam na sa publiko ang tahanan niya, wala na siyang iba pang naiisip.
"Penelope, sa poder ko lang kayo safe ni Kaitlin."
Humalukipkip siya. "Prince Hanz, we're not even close. How can you say that?"
"Kids, ang aga pa, why are you quarrelling again?" Reklamo ni Kaitlin na nasa pintuan ng kwarto. Pumasok din naman ito muli sa loob at sinara ang pintuan para hindi sila nito madinig.
Nakakita ng liwanag si Prince Hanz.
"Then, let our kid decide if she wants to stay with me."
Baba "..."
Gustong-gusto na niyang sipain ang lalaki sa pag-angkin sa anak niya.
"Prince Hanz, as far as I know you're not even related. Sinabi ko bang ikaw ang tatay ng anak ko? Hiningan ba kita ng sustento in past? Did I say, 'Smiley, we have a kid'?"
Huminga ng malalim si Prince Hanz.
Noon niya lang na-realize na hindi pa nga pala siya nagtatapat sa babae. Pero nasabi na niya ang lahat kay Lorenz. Kahit pa nga galit na galit sa kanya ang asawa ni Sandra dahil pinabayaan niya ang mag-nanay, sinabihan pa rin siya nito kung paano susuyuin ang babae.
"Penelope, I am honest when I said yesterday I am Kaitlin's father."
"Ha?" Umawang ang labi ni Baba.
Nilabas ni Prince Hanz ang cellphone mula sa bulsa at inabot sa kanya ang bagay na iyon para ipakita ang larawan ng nanay nito. The picture was high definition. Portrait iyon ng nanay ni Prince Hanz.
Baba could see the whole part of the woman's face. Kaitlin's nose and eyes were the same as the woman. She has a well-formed nose. She has clear, compassionate green eyes.
Overall, Kaitlin's looks were like Prince Hanz's mother.
Umawang ang labi ni Baba. Tumayo si Prince Hanz para lapitan siya.
"I am the man who rescued you from your manager and those two guys… I am the man who's with you that night"