CHAP 8. WAITING

1505 Words
KABABALIK lang ni Baba sa kwarto na nakalaan sa kanya sa isang hotel sa Hong Kong nang magbeep ang email notification sa cellphone niya.  Ipinatong niya ang kumpol ng pulang rosas sa ibabaw ng mesa. Bago niya binuksan ang email.  Isang mensahe ang bumungad sa kanya mula kay Smiley.  Napangiti siya agad. He didn't see the man with green eyes today but she received flowers.  [Want to meet me in person? -Smiley]  Nagliwanag ang mukha ni Baba nang mabasa ang tanong nito. Sasagutin niya sana ito ng 'Of course' kaya lang baka isipin na masyado naman siyang excited.  [Yes. By the way, where are you hiding?-Penelope]  [I'm abroad. May inasikasong problema -Smiley]  "So, kaya pala hindi ko siya nakita," nakanguso na usal niya. Bago pa lumipad ang isipan niya nagbeep muli ang cellphone.  [Wait for me in Hong Kong. I'll knock on your door tomorrow morning - Smiley]  Napangiti si Baba sa nabasa niya. she replied, [Okay. I'll wait for you -Penelope] na para bang isa siyang misis na maghihintay sa asawa niya. Kinilig siya sa naisip.  Kung tutuusin wala naman silang relasyon ni Smiley. She doesn't know his background at all. Pero kung ang lalaki na may berdeng mga mata talaga si Smiley. She will be glad dahil kahit papaano ay marami-rami na rin siyang nakalap na impormasyon dito.  He do charities sa kung saan saang panig ng mundo na mga napuntahan niya.  Sinubukan niya na rin na magtanong sa mga taong nakikita niya na madalas na nakapaligid dito, ngunit wala siyang makuha na matinong sagot.  Huli na para suwayin ang sarili na huwag umasa na ito si Smiley dahil nakuha na ng lalaki ang buong kalooban niya.  ==== PRINCE Hanz is almost 30 this year.  Ilang beses na rin na may nireto sa kanya ang magulang para maging asawa niya pero sinabi niya sa mga ito na may napupusuan na siyang babae na nililigawan niya sa loob halos anim na taon.  His mother almost cried kung ano ang mayroon sa babaeng ito at bakit ayaw sa kanya.  "Bakit hindi ka niya sinasagot? doesn't she know that you are Prince Hanz?" it was hilarious nga naman na ang isang prinsipe na tulad niya ay inabot na ng ilang taon sa panliligaw.  Sinabi niya na lang na hindi alam ni Penelope ang katauhan niya at naniniwala siya na kung mas matagal ang proseso, mas masarap ang pagsasama sa mga susunod na araw.  Tanging si Arthur lang ang nakakaalam na si Penelope ang babae na napupusuan niya. Walang nang iba pa!  Alam niya na hindi siya nito ilalaglag dahil ilang beses na rin ito na-corner ng magulang niya para usisain pero walang pangalan na lumabas sa bibig nito.  Tanging "I'm sorry Duchess, you should talk to your son," ang sagot nito.  His parents wants a grandkid dahil hindi na rin siya bata.  But they have to wait. Alam naman niya na hindi magsisisi ang mga ito kapag pinakilala niya si Penelope bilang personal choice niya.  Inaaprubahan din kasi ng hari ang kung sino man na mapapangasawa nilang lahat sa pamilya.  ==== IT WOULD take 11 hours to fly from Stockholm Sweden to Hong Kong.  Mabilis na pinaayos ni Prince Hanz kay Assistant Arthur ang eroplano na pagmamay-ari ng pamilya niya.  Hindi na siya nag-ayos ng mga gagamitin o dadalhin dahil halos lahat ng kakailanganin ay mayroon din sa eroplano.  Sumakay siya ng itim at makintab na Rolls-Royce sa tapat ng Royal House at nagpahatid sa Airport.  Nakangiti pa siya habang sakay ng sasakyan. Pumapasok na sa utak niya ang reaksyon ni Penelope kapag nagkita sila.  May ilang minuto bago huminto ang sinasakyan sa airport ay naglakad sa pribadong daan papuntang eroplano.  "Prince." yumukod ang mga staff sa entrada  "Thank you!" hinubad niya ang suot na winter Jacket.  "To Hong Kong," utos niya sa mga ito saka tumuloy sa loob ng lounge.  Umupo siya sa malapad at komportableng couch. Ipinikit ang mata.  He is dreaming of Penelope's figure while on stage. Sinasayaw ang mga daliri sa ibabaw ng piano keys na parang nagtatawag ng anghel.  Nagambala ang pagpikit niya nang tawagin ni Arthur ang pangalan niya.  "P-Prince Hanz."  Dinilat niya ang mata at naghihintay sa sasabihin nito. Sa halip, isang wireless handset ng telepono ang inabot nito sa kanya.  Kunot ang noo niya sa kung sino ang nasa kabilang linya. Kinuha niya pa rin ang handset kay Assistant Arthur saka dinikit sa tenga.  "Hello?"  "Hanz, Countey Z attacked Herdalia Province! We have to go to that province as soon as possible," Boses ng tatay niya ang nasa kabilang linya.  Natigilan siya. Isang atake mula kay Captain H?  "Sinunog nila ang kabahayan sa probinsiya. We have to go to that province. You have to cancel your schedule," utos nito.  "Gaano kalala ang sitwasyon?"  "Code Red," simpleng sagot nito na ibig sabihin ay seryoso ang nangyayari.  Napapikit na lang siya at kinuha ang wintercoat na hawak ng isang attendant.  Paano si Penelope? He told her to wait for him.  ..... LUMIPAS na ang bente kwatro oras at nanatiling naghihintay si Baba kay Smiley. Hindi niya nga magawang umalis ng suite at lahat ng kailangan niya ay tinatawag niya sa hotel para ihatid doon sa kwarto. Nagsipag-uwian na nga ang grupo niya sa kung saan saang bansa pero mas pinili niya na manatili doon. She has to wait. Nag-aalala siya na baka biglang dumating ang lalaki at hindi siya nito matagpuan doon kung sakali na lumabas siya. She was anxious. Naisip niya na baka may nangyari sa lalaki habang papunta doon sa Hong Kong. Wala naman siyang natatanggap na mensahe kay Smiley kung male-late ba ito o kung ano. 48 hours more had passed. Inayos niya na ang lahat ng gamit para umuwi na sa Pilipinas. Nakakatawa. Para siyang tanga. Pinaglalaruan ba siya nito? Nakakatawa na sa loob ng halos anim na taon pinadalhan siya nito ng kung anu-ano. Pero mas nakakatawa na may namuong mga luha sa mga mata niya dahil sa isang tao na hindi naman niya personal na kilala. Gusto niyang isipin na maghintay pa pero tatlong araw na siya nito na pinaghintay. Ang pangako nito ay kakatok ito sa suite niya. Knowing his ability, sigurado na alam nito ang suite number niya at hindi ito naligaw. Kinuha ni Baba ang cellphone at nagpadala ng mensahe dito. [Kung nais mong paglaruan ang damdamin ko, nanalo ka na. Do not disturb me in the future -Penelope] Matapos niyang ipadala rito ang mensahe, isang news ang pumukaw sa kanya sa internet. Isang probinsiya sa Sweden ang inatake ng mga terorista. Sunog ang kabuuan ng bansa na halos walang itinira. Itinaas ang alerto sa bansang iyon at iilang bansa na rin ang nagbigay ng tulong. Ito ang hot topic ngayon sa internet at sa world news. Binalik niya na lang ang cellphone sa loob ng sling bag at hinila ang bagahe niya papalabas ng hotel suite na iyon. ..... TATLONG linggo bago natapos ni Prince Hanz ang mga kailangan niyang gawin sa bansa niya. Ilang miyembro ng terorista ang hinanap nila sa mga kalapit na probinsya ng Herdalia. At inabot ng tatlong linggo bago naubos ang mga sugo ni Captain H para gumawa ng krimen. May tinatago pang mga impormasyon ang grupo nito kaya hindi sila makagawa ng aksyon. Malaki ang banta ng lalaki sa kanila at hindi sila pwedeng magpadalos-dalos sa pagsugod dito. Hind nila alam kung ano pang mga bansa ang tumutulong sa Country Z. Tatlong linggo rin na halos wala siyang tulog at walang maayos na kain dahil mas kailangan nilang siguruhin ang lagay ng mga tao. Walang internet o telepono sa lugar dahil tuluyan na pinutol ang linya para sa seguridad din ng probinsiya. Ang unang ginawa niya matapos niyang makabalik sa royal house ng pamilya sa Westrogothia ay ang i-check ang email ni Smiley. Napakuyom na lang ang kamao niya nang mabasa ang mensahe ni Penelope. [Kung nais mong paglaruan ang damdamin ko, nanalo ka na. Do not disturb me in the future -Penelope] Binasa niya ang petsa kung kailan nito iyon ipinadala. Tatlong araw matapos nila mag-usap. 'Did she wait for me for three days?' Kumirot ang isang parte ng dibdib niya sa isipin na hinintay siya nito ng tatlong araw. Pero heto siya at tatlong linggo bago niya nabasa ang mensahe nito. Hindi pa nga tapos ang problema kung tutuusin hanggat nabubuhay si Captain H. Hindi niya masisisi ang dalaga kung isipin nito na pinaglaruan niya ang damdamin nito. Nagsimula siya na magtipa sa laptop. [I'm sorry. Something happened in the last three weeks -Smiley] Nakita niya na binasa nito ang mensahe niya ngunit hindi ito sumagot. [I'm sorry. It's not my real intention - Smiley] Hindi muli ito sumagot. Hindi niya maaaring sabihin dito ang mga ginawa niya para na rin sa seguridad ni Penelope. Nalungkot si Prince Hanz. He was almost there pero sinira ni Captain H ang plano niya. Sinira niya ang pangako niya sa dalaga. Binaba niya ang cellphone at pinatawag si Arthur para alamin kung nasaan sa ngayon si Penelope. Saglit lang at naroon na ito sa kwarto niya. He is facing the window. Ayaw niyang makita ng kahit na sino ang tunay niyang nararamdaman at baka pagtawanan siya nito. "P-prince, according to the source, she's in the Philippines… Hindi siya tumatanggap ng trabaho sa loob ng tatlong linggo," sagot ni Arthur. Seryoso lang si Prince Hanz na nakatingin sa labas ng bintana.  Napalunok si Arthur. He knew that Prince Hanz messed up this time with the girl he likes. At guilty siya sa bagay  na ito dahil siya ang nagmungkahi sa prinsipe na kitain si Penelope.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD